MASAYA ang CEO ng CN Halimuyak Philippines na si Ms. Nilda Tuason sa magandang feedback sa kanilang produkto. Nakarating na pala ang kanilang produkto sa iba’t ibang bansa na paboritong pasalubong mga Pinoy
“Masaya po kami sa mga feedback ng ating produkto na ating maipagmamalaki. Nakarating na po ito sa US, London, Italy, Singapore, Japan, Saudi Arabia, Hawaii, Austria, at Korea. Nakatutuwa po na patuloy tayong nagbibigay sa kanila ng kasiyahan sa pagdadala ng produktong Filipino sa ibang bansa. Karamihan po pasalubong sa ating kababayan sa abroad po.
“Plano po namin na makarating din po ang CN Halimuyak sa puso ng mga kababayan natin para maging negosyo rin nila at maging parte sila sa kasaysayan ng tunay na pabangong galing sa matapat na puso ng isang inhinyerong Filipino po!” pahayag ni Ms. Nilda na isang chemical engineer since 1983.
Initiative ng anak na lalaki ni Ms. Nilda ang pagbuo ng isang maliit na business dahil sa pangangailangang protektahan ang quality ng locally manufactured perfumes, naisip niyang mag-formulate ng sariling blend na pasok sa standard ng young and old at a very reasonable price.
“Nasa industry po kasi ako ng alcohol as a practicing chemical engineer since 1983. Since nagde-deliver po ang company where I was working sa cosmetics firm kaya po na-expose ako sa quality requirement/standard ng ethyl alcohol na main raw material to produce cologne and other perfumes,” aniya.
Ayon kay Ms. Nilda, iba-ibang levels ang pabango at ang basis ay kung gaano ang retention ng fragrance oil sa mixture. Ang classification ay base sa international standards – ang range ng level ay nag-start sa cologne, followed by eau de toilette, eau de parfum, and extrait de parfum.
“This shows po na ang most expensive ay extrait level na ng perfume. Iyan pong level ang gusto namin, kasi wala pa pong gumagawa rito sa Filipinas ng ganyan kataas na quality. Plan namin na magbigay ng introductory prices sa initial offering to have our kababayans experience the premium type of perfumes. We will just make sure po na both quality and price po should be reasonable para po maging pride ng isang Filipino ang locally produced na premium perfume.”
Sa ngayon kabilang sa endorsers ng CN Halimuyak sina Klinton Start, Kikay Mikay, Jhustine Lee, at Rish Ramos.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio