HINDI buntis si Aiko Melendez! Ito ang paglilinaw ng aktres.
Nito kasing Huwebes, January 30 ay isinugod si Aiko sa ospital dahil suka siya ng suka.
Grabe ang pagsusuka ni Ako, na kahit habang nagte-taping siya ng Prima Donnas sa Pampanga, sa kalagitnaan ng eksena ay bigla siyang tatakbo sa isang sulok para sumuka.
Ayon nga sa Facebook post ni Aiko noong araw na iyon, ”I was in Pampanga this morning taping for ‘Prima Donnas,’ then during dinner time I was rushed to the hospital. Our Executive Producer decided to take me to the nearest hospital ‘coz I kept on puking.
“Dyahe while on take I had to literally run to the nearest blank spot to vomit .
“Thank you, Ms Marissa Jesuitas-Hilario for taking care of me. You never left my side. And may standby ambulance and ang creepy ng feeling na nasa loob ka at ikaw ang patient.
“Thank you Lord hindi ako na-food poison. Siyempre panic attack also si VG he wanted to rush to Pampanga from Zambales.
“Now my tummy is rumbling LBM naman. Hmmm I should take a rest now.
“Goodnight, peeps! And thank you sa mga taga-Pampanga love nyo si Kendra
“Pasensiya na rin sa set namin sa abala po. Thanks baby Jay Khonghun na-stress kita kanina Hindi po ako buntis Ha! Ha! Ha! Ha!”
Mabilis namang naka-recover ang aktres at sa kasalukuyan ay nasa bansang Japan para magpahinga kasama ang kasintahang si Zambales Vice-Governor Jhay Khonghun.
Rated R
ni Rommel Gonzales