Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong at Jen, may madalas na pinag-uusapan, ano kaya iyon?

MIXED emotions ang naramdaman ni Jennylyn Mercado habang pinanonood ang pilot episode ng Descendants Of The Sun.

Actually medyo emosyonal nga ako. Tapos sabi ko, ‘Shucks, thank you’, sabay- taas ng kamay niya bilang pasasalamat kay God.

“Ganoon pala siya ka-…’di ba? Medyo… para sa akin ang ganda niya talaga!

“Na-appreciate ko ‘yung puyat at pagod naming lahat sa ‘Descendants Of The Sun’ kasi siyempre aminin natin hindi madali, lalo na kina Dingdong (Dantes) ‘yung ginagawa nila roon sa taping namin, talagang puspusan.

“Very challenging ‘yun, ha? Nakita n’yo ang init ng suot tapos nag-a-action scenes, ‘di ba? Tapos ang daming binubuhat. Takbo ng takbo. Hindi ba?”

Habang palabas nga ang pilot episode sa grand mediacon (sa Studio 7 ng GMA Network noong Huwebes, January 30) ng Philippine Adaptation ng hit Korean drama ay may nagkomento na parang pelikula ang ipinalalabas.

Iyon, parang pelikula!”

Appreciated nila ng buong cast and team ng Descendants Of The Sun ang mga papuri sa kanilang mga ginagawa para sa show.

Isa pang kapansin-pansin durng the presscon ay ang kakaibang ganda at glow ni Jennylyn.

“Nagkalaman ako,” ang bulalas ng aktres. “Kung mapapansin n’yo ang laki ng pisngi ko,” sabay-pisil sa kanyang mga pisngi.

“Medyo nagka-ano ako, taba.”

Pinanood ni Jennylyn ang buong Descendants Of The Sun series ng Korea.

Kailangan po naming panooorin. Kasi para siyempre… hindi naman para gayahin ‘yung character pero siyempre kailangan naming maaral ‘yung story, ‘di ba, kung saan nanggagaling.”

Sa nakaraan ay naging malaking isyu ang kung sino ang gaganap na bidang babae sa DOTS Philippine adaptation; maraming mga pangalan ng mga aktres ang  lumutang and finally nga, heto at ipalalabas na ang programa sa February 10 sa GMA Primetime block na sina Dingdong Dantes (bilang Captain Lucas Manalo/Big Boss), Jasmine Curtis-Smith (Captain Moira Defensor), Rocco Nacino (bilang Technical Sergeant Diego Ramos/Wolf), at si Jennylyn nga ang mga bida.

“Siyempe masaya! Very thankful kasi actually nalaman ko lang po na ako pagkatapos niyong ‘Love You Two.’”

Rated R
ni Rommel Gonzales  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …