Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, didibdibin na ang pag-aaksiyon

ANG 24/7 ang hudyat ng pagbabalik-showbiz ni Julia Montes pagkatapos mawala ng ilang buwan dahil nagtungo ng Germany para dalawin ang ama na roon naninirahan.

Si Arjo Atayde ang kapareha ni Julia na nagpatunay na hindi niya kailangan hintayin si Coco Martin para sa pagbabalik-showbiz.

Bago nagsimula ang shooting ng 24/7 ay naging masigasig sa pagsasanay ng martial arts si Julia na gagamitin sa kanyang papel na gagampanan. Nag-aral din siya ng pagbaril na puwedeng isipin na paghahanda na rin nito ng mga proyektong may pagka-aksiyon.

Puwedeng isipin na may konek ito sa nababalitang pagpapakasal ni Angel Locsin at pagkakaroon ng posisyon sa kasalukuyang administrasyon.

Tulad ng Batang Quiapo na si Coco lang ang hinihintay para tapusin ang FPJ’s Ang Probinsyano para isunod na ang hinihintay ng tao para sa muling pagtatambal ng dalawa pero ang lumalabas ngayon ay isang bagong panoorin, ang 24/7 na sinisimulan na ng aktres ang shooting at mayroon nang play date.

Sabe, kung tuloy pa rin Ang Probinsyano ay siguradong mas marami pa itong mabibigyan ng trabaho tulad ng mga artistang gusto bumalik sa pag-arte pero kung mapahinto ito ay magbibigay-daan na ito sa Batang Quiapo na isa pang The King hit movie. Kaya lang hanggang sa ngayon ay walang kompirmado na wawakasan na ang FPJAP. Kaya hihintayin na lang ang susunod na pangyayari.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …