Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangatlong positibong kaso ng 2019 nCoV kinompirma ng DOH

TINIYAK ng Department of Health (DOH)  ang pangat­long kaso na nagpositibo sa 2019 novel coronavirus.

Isang 60-anyos baba­eng Chinese na isinama sa  talaan ng patients under investigation (PUIs) ang kompir­madong positibo sa 2019-nCoV Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD) sa  bansa.

Dumating sa  Cebu City mula Wuhan, China  via Hong Kong noong 20 Enero 2020 ang pasyen­te at bumiyahe sa Bohol.

Nitong 22 Enero, kumunsulta  sa pri­badong hospital sa Bohol ang pasyente matapos makaranas ng lagnat at coryza.

Kinuhaan ng sample noong 24 Enero at sinuri sa  Victorian Infectious Diseases Reference Laboratory sa  Australia at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Nang matanggap ang negatibong resulta ng pagsusuri noong 29-30 Enero, agad din ini-discharge ang pasyente at pinayagang makabalik sa China  via Cebu  noong 31 Enero.

Gayonman, nitong Pebrero 3, inabisohan ng RITM ang DOH na ang unang sample na kinuha noong 23 Enero ay napa­tunayang positive.

Ayon sa DOH, nakikipag-ugnayan ngayon ang Epidemiology Bureau (EB) sa mga taong nakasalamuha  ng ikat­long pasyente.

Nakipag-ugnayan na ang Bureau of Quarantine (BoQ) at EB sa airlines, sa Central Visayas Center for Health Development, sa hotel kung saan siya nanatili, at ang ospital kung saan siya na-admit.

PINOYS VS NCOV
PINAG-IINGAT
NG DFA

UMAPELA  ang Depar­tment of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa iba’t ibang bansa na apektado ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD), na gawin ang ibayong pag-iingat para sa kanilang ligtas na kalusugan.

Ayon sa DFA, kung may mga Filipino na agad nangangailangan ng ayuda na may kaugnayan sa 2019 nCoV lumapit agad sa pinakamalapit na Philippine Embassy or Consulate General sa kanilang lugar.

Hinimok ang mga Filipino sa Wuhan City at sa iba pang bahagi ng Hubei Province na nais umuwi sa Filipinas na tumawag sa Philippine Consulate General sa Shanghai hanggang nga­yong araw para sa arrangements.

Patuloy ang DFA sa pakikipag-ugnayan sa kinauukulan upang maalalayan ang mga Filipino sa abroad at agad masiguro ang pinaka­bagong updates.

Hinikayat ang mga Pinoy na bisitahin ang website ng DFA para sa mga bagong advisory kaugnay ng 2019 nCoV.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …