Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, walk out no more na — ‘Di na ako padalos-dalos at mas appreciative na

PASAWAY no more na nga ba si Cristine Reyes? Yes naman dahil iginiit niyang appreciative na siya ngayon sa kanyang trabaho kompara noong bata-bata pa siya o baguhan.

Ito ang pag-amin ni Cristine sa mediacon ng Untrue na pinagbibidahan nila ni Xian Lim mula Viva Films na mapapanood na sa February 9.

Ani Cristine, “mag 31 na ako at nakilala n’yo ako na feisty, I was 14, 15, teen-ager, you can’t really played for having those days na hindi ko makontrol ang emotions ko. So overtime, matututo ka rin to fixed yourself na hindi lahat ng bagay eh kailangan lalabanan.”

Wala namang nangyari para maging ganito si Cristine. Aniya, “it’s just na I’m trying to be a good person when it comes to myself, to work. I’m really trying.”

Sinabi pa ni Cristine na mas naiintindihan na niya ang pinasok niyang trabaho. “Kasi noong nagsisimula ako, honestly wala akong pakialam noon. ‘Ayokong sagutin ‘yan! Bakit sino ka para sagutin ‘yan?’ Ganoon ako eh.

“Ngayon mas malawak na ang pagkakaintindi ko sa pinasok kong trabaho, na kasama iyon. Ngayon masasabi kong nakakaharap na ako ng maayos, hindi na padalos-dalos, hindi na nagwo-walk-out. May mga presscon na hindi ko pinupuntahan.

“Ngayon mas appreciative ako na andito ako ngayon, mas naa-appreciate ko ang trabaho na mayroon ako ngayon kompara rati,” sambit pa ni Cristine.

Ang Untrue ay isang psychological drama thriller na idinirehe ni Sigrid Bernardo na iikot ang istorya kina Mara at Joaquin, dalawang Pinoy immigrants sa Georgia na mabilis nagpakasal kahit hindi pa lubusang magkakilala.

Nauuwi sa sakitan ang kanilang romansa kaya nagsumbong si Mara sa pulisya. Pero iginigiit ni Joaquin na si Mara ang baliw. Dumagdag pa sa suspense ang misteryosong aparisyon ng isang babae.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …