Hindi nakatutuwa ang serbisyo ng Hyundai Parañaque West na sinabing pag-aari ni Dingdong Dantes at ng congressman na si Irwin Tieng.
Nitong nakaraang Oktubre 2019 isang kabulabog natin ang kumuha ng H100 Hyundai van sa nasabing distributor. Bago matapos ang 2019 ay nabayaran na lahat ang nasabing unit ng sasakyan pero inbot pa ng tatlong linggo bago nai-deliver ang van and take note wala pang OR/CR.
E kung hindi tayo nagkakamali, matagal na ang dalawang linggo para maisyuhan ng OR/CR ang isang sasakyan.
Pero ngayon, matatapos na ang Enero, wala pa rin ang OR/CR. Ang masaklap pa, nagsara ‘yung Hyundai Parañaque West.
Hindi naman siguro nakapagtatakang magsara ‘yan — e ang sama nga ng serbisyo.
Sa kanilang pagsasara, lahat ng backlogs nila ay itinuro sa Hyundai Bacoor. Ang sagot naman ng Bacoor kapag pina-follow-up sa kanila ‘e ipino-process na raw.
Ang tanong, sino ba talaga ang may problema, ang HYUNDAI ba o ang LTO?!
Pakisagot lang po, pero please huwag kayong magturuan, kasi hindi naman bumili ng sasakyan ‘yung kabulabog natin para itengga lang sa kanilang garahe.
Puwede ba Mr. Dingdong and Congressman Tieng?!
‘Yun lang!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap