Wednesday , December 4 2024

Total ban sa ‘Chinese’ tourists & visa upon arrival (VUA) sa POGO workers

PARA sa kaligtasan ng ating bansa at ng ating mga mamamayan laban sa pinag-uusapang coronavirus sa China mas makabubuti sigurong ‘total ban’ muna ang maging policy ng gobyernong Filipino sa mga turista o overseas workers na magmumula sa China.

Ibig sabihin, ipatigil maging ‘yang visa upon arrival (VUA) na sinabing pinagkikitaan ngayon nang limpak-limpak na kuwarta ng ilang mga taga-Bureau of Immigration (BI).

Sila lang ang ultimong dahilan kung bakit atat na atat silang magpapasok ng mga Chinese national.

Hindi naman puwedeng sabihin nilang ‘yung mga nanggaling lang sa Wuhan ang iba-ban. Paano ‘yung mga nanggaling sa Wuhan tapos lumipat sa ibang probinsiya ng China at doon sumakay patungong Filipinas?!

Huwag naman muna kayong maging suwapang at gahaman lalo ‘yung may mga raket sa BI, may mga paupahang gusali o apartments para sa mga POGO, para kumita lang.

E baka kapag tinamann na kayo ng coronavirus, e sisihin pa ninyo ang Diyos at si Pangulong Rodrigo Duterte.

‘Yung sinasabi ng PAGCOR na mahigpit sila ngayon sa pagsusuri ng mga Chinese na pumapasok sa bansa at nagnenegosyo ng POGO o nagtatrabaho sa POGO, ang masasabi natin hintayin ninyo ang tag-init at tiyak na mananahimik na ‘yang coronavirus, hopefully, ha.

‘Yan ay kung totoo ‘yung sinasabi na ‘yang mga virus na ‘yan komo ginawa sa winter season o malalamig na bansa ay mabilis na nagmu-mutate sa malamig na panahon.

Pero huwag rin po tayong mag-panic. Kasi kapag nag-panic tayo, hindi tayo makapag-iisip nang tama.

Simple lang daw po ang solusyon diyan. Panatilihing malinis ang kamay. Laging hugasan ang kamay, o kaya ay mag-hand sanitizer o 70 percent alcohol, at laging linisin ng chlorox o zonrox ang kusina at banyo.

Pero pansamantala, dapat nang i-ban muna ang visa upon arrival (VUA) sa mga Chinese national na nais pumasok sa bansa.

‘Yan po ang ultimong aksiyon para maging ligtas ang mga Filipino laban sa coronavirus.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *