Monday , December 23 2024

Sa kamatayan ni Kobe Bryant… Palasyo nalumbay, nakiramay para kay Black Mamba

NAKIIISA ang Palasyo sa pagdadalamhati ng buong mundo sa pag­panaw kahapon ni basketball legend Kobe Bryant sa isang chopper crash sa California kahapon.

Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na si Bryant, 41 anyos, dating Los Angeles Lakers star, ay mahal na mahal ng kanyang Pinoy fans.

“The Office of the President is saddened after learning about the tragic news of the death of NBA superstar and legend, Kobe Bryant, and his daughter, who were killed in a helicopter crash. Mr. Bryant was a frequent visitor in the Philippines. He was well-loved by his Filipino fans,” ayon kay Panelo.

“On the hardcourt, he was a sight to behold with his dexterity and accuracy in sinking that ball in the ring. He was a master of his craft. The basketball world has lost one of its legendary greats,” dag­dag niya.

Ipinaaabot ng Mala­cañang ang taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Bryant sa buong mundo.

“The Palace extends its deepest condolences to the family, friends, colleagues, loved ones and fans around the globe who Kobe left behind. We share in their grief,” ani Panelo.

Matatandaang nag­retiro si Bryant noong 2016 matapos ang 20-taong NBA career sa LA Lakers, kasama rito ang limang champion­ships.

Kabilang si Bryant sa US National Olympic team na nakasungkit ng dalawang gintong me­dal­­­ya.

Nagwagi siya sa prestihiyosong Oscar Awards noong 2018 bilang producer ng animated short film “Dear Basketball: The Legend of Kobe Bryant.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *