Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ariella, walang keber makipag-halikan kay Jinggoy

UNANG pelikula ni Ariella ‘Ara’ Arida ang Coming Home na pagbibidahan nina Sylvia Sanchez at Sen. Jinggoy Estrada pero hindi niya alintanang isang other woman ang gagampanan niya.

Anang dating beauty queen, ”It’s such an honor for me na makasama ang ating mga batikang aktor at aktres. Kaya I’m so excited na masimulan na po itong movie kasi mayroon siyang magandang story na maaantig ang ating mga puso.”

Hindi rin problema kay Ara kung may halikan o lovescene sila ni Jinggoy. Game siyang gawin ito.

Aniya, ”Mayroon nga po, pero I guess part talaga ito ng movie. Kung maayos ang tema, kung ano ang sabihin ni Direk Adolf, gagawin ko lang.”

“Direk Adolf. Hahahaha!” hirit naman ni Jinggoy kay Direk Adolf Alix, ang kanilang direktor. ”Habaan ang take ha!”

Bukod kina Sylvia at Ara, kasama rin sa pelikula ang kapatid ni Jinggoy na si Jake Ejercito at anak na si Julian Estrada gayundin sina Martin del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Smokey Manoloto, Almira Muhluch at marami pang iba.

Ang Coming Home ay nakatakdang ipasa para sa Summer Metro Manila Film Festival 2020 na magaganap sa Abril.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …