Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahirap na Filipino, mas marami… SWS survey deadma sa Palasyo

DEADMA ang Palasyo sa pinakabagong resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na tumaas ang bilang ng mga Pinoy na ikinokon­sidera ang kanilang sarili bilang mahirap.

Base sa survey ng SWS sa ikaapat na quarter ng 2019, tumaas sa 54 percent ang bilang ng mga Filipino na nagsabing mahirap sila kompara sa 42 percent na naitala noong Setyem­bre 2019.

Ito na ang pinaka­mataas na self rated poverty record mula noong 2014.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, makababawi ang gobyerno dahil maga­galing ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami aniyang incoming projects na ikinakasa ang pamaha­laan at nangangahulugan ito ng maraming trabaho.

Kapag nagkataon, marami aniya sa mga Filipino ang magkakaroon ng pagkakataon na gumanda ang kanilang pamumuhay.

Nagawa na rin aniya ng economic managers na makontrol noon ang inflation.

Normal na aniyang tumataas o bumababa ang bilang ng mahihirap na Filipino.

Maaari kasi aniyang nagkataon na ginawa ang survey at natanong ang isang Filipino na walang trabaho o nata­pos na ang kontrata o proyekto.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …