Monday , August 11 2025

Pinoys sa Wuhan stay put pero mag-ingat sa Coronavirus

WALA pang plano ang administrasyong Duterte na pauwiin sa bansa ang mga Filipino na nasa Wuhan City sa China kahit laganap na siyudad ang coronavirus.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinapayohan ng Malacañang ang mga Pinoy sa Wuhan City na mag-ingat at maglatag ng precautionary measures.

Hindi kasi aniya maa­aring agad na paalisin ang mga Filipino sa Wuhan City dahil naroon ang kanilang kabuhayan.

Kaugnay nito, may mga nakalatag nang hakbang o protocols ang Department of Health (DOH) sakaling maging mapanganib ang coronavirus sa Filipinas.

Sa ngayon, sinimu­lan aniya ng pama­halaan na pabalikin sa China ang mga dayu­hang nang­galing sa Wuhan City.

Kasabay nito, naki­usap ang palasyo sa mga Filipino na nasa Wuhan na maging alerto at maging maingat.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *