TILA masyadong nakatutok ang mga mata ng awtoridad tungkol sa issue ng mga sandamakmak na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Bukod sa mga tanong kung nagbabayad ba sila ng tamang buwis, marami rin sa mga empleyadong tsekwa ng POGO ay kadalasang walang working permit galing sa Department of Labor and Employment (DOLE) at maging sa Bureau of Immigration.
Kailan lamang ay binatikos ng mga mambabatas ang programa ng DOJ at BI tungkol sa Visa Upon Arrivals (VUA) na ginagamit ng mga turistang Chinese para makapasok sa bansa.
Kadalasan ay turismo kuno ang pakay nito at tumatagal nang apat na araw hanggang isang linggo ang mga mag-a-avail nito. Sa rami ng mga aplikante ng VUA hindi maiiwasang magkaroon ng sigalot lalo at badyet na ang pag-uusapan.
Nito lang ay umabot sa ating radar ang balita na mismong mga accredited travel agencies ng VUA ang ngayon ay nagrereklamo kung sino ang mapapaboran na mai-process agad ang application ng VUA nila.
Naging obvious daw ang pagkakaroon ng favoritism o palakasan pagdating sa pagpapaaproba ng VUA?
Kamakailan lang, isang travel agent ang umano’y muntik nang tumalon sa ika-apat na palapag ng BI Main office matapos maipit ang papeles ng kanilang kliyente na isang “tour group” na naging dahilan upang hindi makabiyahe sa itinakdang araw!
Naturalmente cancelled ang flight and hotel bookings ng mga pasahero kaya sino ang mananagot kundi ang travel agency?!
Para saan pa raw ang ibinayad nilang ‘padulas’ na P10,500 kada VUA kung maiipit lang sa naturang opisina?
Huh!!!
Naipit ba o sinadyang inipit? At kailangan ba talagang may padulas? Samantala, isang “travel agency” ang sinabing totoong ‘apple of the eye’ ng isang alyas SIBA at ng kanyang mga alipores sa Derogatory Section ng ahensiya?!
Tumataginting na P2.5 milyones kada araw ang naneneto ng grupo sa 400 VUA na nai-process kada araw na kanyang pinaaaprobahan!
Sonabagan!
Alleluya nga!
E kumusta naman kaya ang hatag niya kay panyerong alyas Masiba?
Aba, 2 kiyaw per approval daw ‘yan kaya tumataginting din na P800K kada araw ang take home pay ng mama?!
Wattafak!?
Mahihiya pala ang metro ng Meralco at Maynilad sa biyayang kanyang nahaharbat ‘este natatanggap.
Kay-siba nga!
Well, aware kaya si DOJ Secretary Menardo Guevarra na nasasalaula ang DOJ Circular 41 na nagsasaad na dapat 10 days before arrival of pax ang legal o tamang proseso ng VUA?
Para kasi kay alyas Masiba, ONE DAY express processing lang ang VUA basta the price is right?!
Comm. Jaime Morente, mukhang kulang sa pansin mo ang VUA section?
Pakikapa nga po ang ulo ninyo?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap