Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Javi, ipinalit ni Sue kay Joao

SA nakaraang advance screening ng A Soldier’s Heart ay namataan si Javi Benitez, ang baguhang aktor na nauugnay ngayon kay Sue Ramirez dahil magkasama sila sa launching movie ng binata na siya rin mismo ang producer.

Base sa obserbasyon namin kasama ang ibang katoto ay magkasama sina Javi at Sue at humiwalay lang ang binata nang may mag-interview sa aktres at pagkatapos ay naglapit ulit sila.

Totoo nga yata ang tsika sa aming may relasyon na sina Javi at Sue dahil ang una mismo ang pumili sa dalaga para maging leading lady at handa siyang maghintay sa iskedyul ng aktres dahil sa rami ng ginagawa nito.

Sumakto naman na hiwalay na sina Sue at ang boyfriend niyang si Joao Constancia nang maugnay siya kay Javi. Sabi tuloy ng iba, “parang nagbihis lang si Sue ng damit.”

Eh, ganoon na talaga ang millennials ngayon, bakit kailangang patagalin kung gusto ninyo ang isa’t isa.

Samantala, babaeng sundalo o miyembro ng Women’s Army Corps si Sue sa A Soldier’s Heart na kasamahan nina Gerald Anderson at sila rin ang magka-loveteam pero hindi sa love story nila naka-focus ang istorya ng serye kundi sa pamilya at sa pagtatanggol sa bayan.

Kasalukuyang umeere ang A Soldier’s Heart sa ABS-CBN pagkatapos ng Make It With You.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …