Thursday , December 12 2024

Salamat kamara — Taal victims

TODO-TODO ang pasasalamat ng mga biktima ng pag-aalboroto ng bulkang Taal sa gobyernong Duterte maging sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil hindi pagpapabaya sa kanila sa gitna ng nangyaring nakagigimbal na aktibidad ng bulkan.

Aba’y kambal na resolusyon ba naman ang pinagtibay ng kamara sa ginawang sesyon sa Batangas City na tutulong sa mga biktima ng Taal.

Ito ang HR 662 na sumusuporta sa P30-bilyong hiling ni Digong na supplemental budget para sa mga biktima ng Taal at ang HR 655 na humihiling na ipalabas sa lalong madaling panahon ang pondo para sa mga relief efforts at programa para sa mga biktima ng trahedya at kalamidad.

Ayon sa isang bakwit na nasa pinakamalaking evacuation center sa lungsod ng Batangas na si Aling Epifania Deogracias, napakaganda ng ginawang pagkakaroon ng sesyon ng kamara sa Batangas Convention Center, “Napakaganda ng ginagawa nila. Kami ay nagpapasalamat na dinadamayan nila kami. Hanga ako sa kanila sa kanilang malasakit sa mga taong kagaya ko.”

Sinabi ni ginang Delilah de Castro, pangarap niyang makauwi na sa kanilang tahanan dahil iba pa rin umano ang pakiramdam sa kanilang bahay kahit maayos ang kanilang kalagayan at pagkain sa kanilang evacuation center.

Ipinarating din niya ang kanyang pasasalamat sa ginawa ng kamara na pagpunta sa Batangas para mag sesyon at pakinggan ang mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Maging si congressman Raniel Abu ng Batangas ay  nagpasalamat kay Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa determinasyon na matulungan ang mga  biktima ng pag-alboroto ng bulkang Taal.

Paano ba naman, binitbit pa ni Cayetano ang mga kapwa kongresista para sa Batangas gawin ang sesyon ng kamara upang mapakinggan ang hinaing at mga pinagdaraanan ng mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Abu, hindi basta-basta igugupo ng kalamidad ang mga Batangueño at iba pang biktima ng Taal ngunit nakatataba ng puso na marami ang nagmamakasakit sa mga biktima ng bulkang Taal.

Ito kasi ang kauna-unahang sesyon na ginawa ng kamara mula 1987 sa labas ng apat na sulok ng Batasan Complex.

Minabuti ng kamara na ilapit lalo sa tao, lalo sa mga biktima ng kalamidad ang mga kinatawan ng kongreso upang pakinggan ang mga pangangailangan ng mga biktima lalo sa aspektong rehabilitation plan.

Ayon sa lider ng kamara na si Speaker Alan Peter Cayetano, hindi lang dapat relief efforts ang tinututukan kundi ang long term solutions para sa mga nabibiktima ng trahedya at kalamidad sa bansa lalo pa ngayon at sunod-sunod na tinatamaan tayo ng kalamidad gaya ng bagyo at lindol.

Kaya, tapikin natin sa balikat ang ating nga mambabatas dahil sa kanilang mga ginagawa na akala ng marami sa atin ay imposibleng gawin lalo sa kanilang mga hakbang gaya ng P.5-M na donasyon ng Rules Committee sa Taal victims, patuloy na relief operations ng Bahay, BHW Party-lists, si Congw. Len Alonte na nagbigay ng relief packs, Cong. Mike Defensor na nagbigay ng N95 masks, at si Speaker Cayetano at misis na si Congw. Lani na nagbigay ng family food  packs, inuming tubig, libreng medical consultations,  gamot at N95 masks.

Ilan lamang ito sa mga tulong na naipamigay ng mga kongresista sa mga biktima ng Taal.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *