Wednesday , December 4 2024

Pagsabog ng Taal malaking setback sa Cavite at Batangas

HINDI maikakailang ang mga lalawigan ng Cavite, Batangas at Laguna ay isa mauunlad na lugar sa kanayunan sa bansa, lalo ang bahaging Tagaytay sa Cavite, Sta. Rosa sa Laguna at  mga bayan ng Nasugbu, Tanauan, at Lipa sa Batangas.

Ang Talisay, bagamat sinasabing isa sa pinakamahirap na bayan sa Batangas ay dinarayo naman dahil sa turismo.

Sa Tagaytay, Sta. Rosa at ilang nabanggit na bayan sa Batangas ay maituturing na may mataas na tantos (rate) sa real estate.

Mismong ang ‘real estate lords’ na pamilya Villar ay may real estate establishments sa mga lugar na ‘yan.

Pero dahil sa naganap na pagputok ng bulkang Taal tiyak na magbabagsakan ang real estate sa mga lugar na ‘yan.

At mukhang ‘yan ang naiisip ng mga opisyal ng gobyerno na ang pamilya ay may malalaking investment sa nasabing lugar dahil marami sa kanila ay ‘tamilmil’ at tila walang kagana-ganang tumulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang taal.

Wattaffak!

Kinailangan pang mga pribadong mama­mayan ang unang magresponde at magpadala ng tulong sa mga kababayan nating biktima ng pag-aalboroto ng bulkang taal.

Dalawang bagay ang naiisp natin kung bakit makupad ang responde ng mga opisyal ng mga local government units (LGUs) — una, out of town sila, spending their weekend, o ikalawa hinihintay nilang magsalita ang national government para magdeklara ng calamity fund.

Hoy mga hidhid, puwede bang dumukot naman kayo sa sariling bulsa ninyo habang hindi pa bumababa ang assistance ng national govern­ment?!

Lalo na ‘yung LGU officials ng bawat lugar na apektado.  

Mag-FPJ naman kayo! Bumunot naman kayo sa mga bulsa ninyo para tulungan ang mga kababayan ninyo.

‘Yung mga politiko naman na walang ginawa kundi sisihin pa ang PhiVolcs kung bakit hindi raw nalaman na nag-aalboroto ang Taal, aba ‘e bago kayo manisi tumulong muna kayo sa mga nasalanta nating kababayan.

Pambihira, hindi na nga natulong ‘e sinisisi pa ang PhiVolcs.

Sa isang banda puwede naman talagang mabasa ang kalagayan ng isang bulkan, pero sa ganitong sitwasyon, puwede ba, magtulungan muna bago magsisihan.

Kaya hindi natin masisisi ang mga kababayan nating nasalanta na balikan ang kanilang mga alagang hayop kahit mapanganib kasi nga iyon lang ang maasahan nilang pansalba ngayong biktima sila ng kalamidad.

Kaya puwede ba, ‘yung mga nasa hanay ng milyonaryo at bilyonaryo sa alta sociedad, aba ‘e bawasan naman ninyo ang mga milyones o bilyones ninyo para tulungan natin ang mga kababayan nating biktima ng pag-aalboroto ng Taal.

Ilabas n’yo na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *