Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday tiniyak, mananatiling Kapamilya

IDINADAAN na lamang ni Judy Ann Santos sa tawa kapag napag-uusapang lilipat siya ng network. Sa tuwing mag-uumpisa raw kasi ang taon napag-uusapan at lagi siyang natatanong kung totoong iiwan na niya ang Kapamilya Network.

Hindi naman itinanggi ni Juday na minsang naisip din niyang iwan at lumipat ng ibang network lalo na noong bata pa siya na kung ano-ano ang naiisip niya. Idagdag pa riyan ‘yung may nararamdaman siyang sama ng loob at kung ano-anong negatibong feeling.

Kung ating matatandaan, ilang beses din namang napabalita na lilipat  ng GMA 7 ang Teleserye Queen pero hindi naman natutuloy. At hindi itinanggi ng aktres na open siya na magtrabaho sa ibang estasyon.

At ngayong magtatapos na ang Starla, muling natanong si Juday sa posibilidad ng paglipat. At tiniyak niyang hindi niya iiwan ang Dos. ”Ewan ko ba, parang ganoon nga yata siguro ‘yun. Baka nagkakataon lang siguro ‘yung everytime na may matatapos akong soap, mag-e-end na rin ‘yung contract and everything, so everybody’s assuming na baka lilipat ng station,” paliwanag niya sa finale-thanksgiving presscon ng Starla.

“Sa tinagal-tagal ko naman sa ABS, at though hindi ko itatago na may mga moment noong kabataan ko, naiisip mo ‘yun, kapag may tampo ka, kapag halimbawang mayroon kayong misunderstanding or miscommunication ng network, you always think of something big to do. ‘Yung ayoko na.

“Pero, you’ll always go back to where you began, where you started, and napapag-usapan naman ang mga bagay-bagay. I am able to tell everything to Tita Cory Vidanes, to Tatay Lauren Dyogi. Siguro hindi naiiwasan ‘yun, kasi ako na lang yata ang hindi umaalis dito sa ABS, parang hinihintay na lang yata nilang baka this time!

“Nasasabi lang siya, hindi naman nagagawa. Matabil lang talaga ako minsan noong kabataan ako pero walang ganoon ngayon,” mahabang paliwanag pa ni Juday.

Kaya sorry sa mga nagpipilit na iiwan ni Juday ang Kapamilya Network dahil sa tema ng pananalita ng aktres, hinding-hindi niya iiwan ang Dos.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …