Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manila, handang-handa na sa Asia’s biggest TV awards festival

NAGLALAKIHAN at kilalang artista ang inaasahang darating ngayong linggo para sa 24th Asian Television Awards na gagawin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay City simula Jan 10 to 12, 2020.

Ito bale ang kauna-unahang pagkakataong na rito sa Pilipinas gagawin ang Asian Television Awards, na ikinokonsiderang region’s most prestigious at anticipated gathering ng TV industry professionals at celebrities.

Ilan sa mga inaasahang dadalo sa Awards Ceremony ng 24th Asian Television Awards sa January 11 ang Thai actor na si Chanon Santinatornkul, nominado bilang Best Actor in a Leading Role sa kanyang pagganap sa Bangkok Love Stories: Plead. Kinilala rin ang galing ng actor sa kanyang 2017 hit Thai film na Bad Genius.

Ang iba pang Thai actors na dadalo ay sina Poonpat Atthapunyapol, Attaphan Phunsawat, at Purim Rattanaruangwattana. Ang tatlo ay mga popular young Thai actors na may fan base sa Thailand at iba pang lugar sa Asia—at ito’y dahil sa kanilang TV show na napapanood online dahil na rin sa popular streaming sites. Dadalo rin ang Taiwanese actors na sina Lawrence Liu at Lin Ming Zue. Ang limang actor ay nominado sa Best Actor in a Supporting Role category.

Inaasahan din ang pagdalo ni Zizan Razak, isang comedian at rapper, at isa siya sa Malaysia’s most popular celebrities ngayon. Nakagawa na rin siya ng mga pelikula at iba pang proyekto sa ibang bansa tulad sa Indonesia.

Ang Vietnamese actress na si Phi-Huyen Trang at Thai actress na si Anyarin Terathananpat, na nominado bilang Best Actress in a Supporting Role category, ay dadalo rin.

Makakasama rin ang Chinese-British singer-songwriter na si Tien Chong. Si Chong ay naging contestant sa China’s Singer 2018, isang singing competition para sa professional singer, na sinalihan din noon ng ating pambatong si KZ Tandingan.

Ang iba pang star na maglalakad sa Awards Night red carpet ay sina Chanya McClory (star ng Thai Netflix Original Series, The Stranded), Singaporean actor Benjamin Josiah, Malaysian actress Ruhainies Farehah, Thai actresses Machida Sutthikulphanich (star ng digital TV series, Abandoned), at Tisanart Sornsuek at Sutatta Udomsilp (Best Actress in a Leading Role nominees), Vietnamese singer Hoang Yen Chibi, at Taiwanese actor William Hsieh (star ng Taiwanese show na   First Love), at marami pang iba.

Ang K-Pop girl group na Cherry Bullet at Indonesian singer-songwriter na si Anggun ay may partisipasyon din.

Samantala, ang mga sariling atin namang artista na dadalo  sa Awards Night ng 24th Asian Television Awards ay sina Martin Del Rosario,  Jona at Kiana Valenciano, Diana Zubiri, female pop group 4th Impact, theater actor Arman Ferrer, at artist Kris Lawrence at marami pang iba.

Inaasahang 300 international delegates, na kinabibilangan ng filmmakers, TV producers, actors, at TV hosts, ang darating sa Pilipinas para makiisa sa tatlong araw na pagdiriwang.

Mabibili ang tiket sa Awards Night ng 24th Asian Television Awards  sa www.ticketworld.com.ph. Para sa ibang information,i-follow ang  @asiantvawards on Facebook at Instagram.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …