Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin del Rosario at Julie Anne San Jose, nominado sa 24th Asian TV Awards

INIHAYAG na ang pinakamahuhusay at maniningning na mga artistang nominado sa 24th Asian TV Awards (ATA) na gaganapin sa Pilipinas sa unang pagkakataon sa Newport Performing Arts Theaters sa Resorts World Manila, Pasay simula Enero 10 hanggang 12, 2020.

Nakatanggap ng 20 nominasyon ang Pilipinas sa iba’t ibang kategorya, tulad ng Best Leading Male PerformanceDigital (Martin Del Rosario sa teleseryeng Born Beautiful ng Cignal TV), Best Actress in a Leading Role (Julie Ann San Jose para sa animated series ng GMA-7 na Barangay 143).

Nominado rin ang  mag news anchors na sina Cathy Yang at Cito Beltran para sa  Best News Presenter or Anchor. Ilan din sa mga  nakatanggap ng karangalan sa ATA ang mga iba’t ibang artista sa Asya, tulad nina Purim  Ratta­naruang­wattana at Attaphan Poonsawat ng Thailand  na nominado bilang Best Actor in a Supporting Role; ang mga Taiwanese na sina Teo at William Hsieh, parehong nominado bilang Best Actor in a Leading Role; at Kim Hye-Ja na may nominasyon sa kategoryang Best Actress in a Leading Role.

Ang mga magwawagi sa ATA ay ipahahayag sa Award Ceremonies na gaganapin sa Enero 10 at Enero 11,  2020. Sina Mark Neumann at Cathy Yang ang magho-host sa pagdiriwang, kasama ang Thai model actress na si Ase  Wang at ang  Sing­a­porean na si Wal­lace Ang. Magka­karoon  ng red carpet event sa pangala­wang araw  ng ATA na inaasahan ang daan-daang mga artista na dadalo. Isang  konsiyerto naman ang  magtatapos sa  pagdiriwang sa Enero 12, 2020 na ang Indonesian singer na si Anggun ang mangunguna kasama sina Martin Nievera, Kris Lawrence, 4th Impact, at Morisette.

Para makita ang kopletong  listahan ng mga nominado sa 24th Asian TV Awards, pumunta lamang sa kanilang website: https://www.asiantvawards.com/nominees/2019-nominees.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …