ILANG araw na ang nakalilipas ay usap-usapan pa rin ang resulta sa naganap na 45th Metro Manila Film Festival Awards Night dahil hindi pa rin makapaniwala ang lahat na ni isang tropeo ay walang naiuwi ang movie adaptation na Miracle in Cell No. 7.
Hindi ba kasama sa criteria ang movie adaptation? Eh, ‘di sana hindi na lang ito isinali sa MMFF?
Well, tapos na kaya hindi na dapat magreklamo, ang maganda lang ay patuloy itong kumikita at pinipilahan sa lahat ng sinehan nationwide at ito rin ang kunsuwelo ni Aga Muhlach bilang isa sa producer.
Sa tuwing may awards night ay parating natatanong kung ano ang mas gusto ng mga artista, box office o award at kadalasang sagot ay, ”Box office! Para muling makagawa ng pelikula at maraming mabigyan ng trabaho.”
Ito ang tinanong din namin kay Iza Calzado pagkatapos ng Black Carpet Event ng Culion kung ano ang pipiliin niya, box office o award at sinagot kami ng, ”puwedeng both?”
Tama rin naman, kaso mukhang hindi sinuwerte ang Culion sa box office dahil nasa ika-walong puwesto ito pero binigyan naman sila ng Special Jury Prize award para sa Ensemble Cast.
Sa walong pelikulang entry ng 2019 MMFF ay tatlong pelikula lang ang naglaban-laban, ang Mindanao, Sunod, at Write About Love at ang iba ay pawang, ‘thank you for attending the Gabi ng Parangal, better luck next year!’
Anyway, ang mga nanalo sa 45th Gabi ng Parangal ay ang mga sumusunod.
Best Float – Mindanao
Gender Sensitive Award – Mindanao
Best Child Performer – Yuna Tangod (Mindanao)
MMFF Student Short Film – Pamana ni Lola (PUP Sta Mesa)
Best Sound – Mindanao
Best Musical Score – Write About Love
Best original Song – ‘Ikaw ang Akin’ (Write About Love)
Best Visual Effects – Mindanao
Best Production Design – Sunod
Best Editing – Write About Love
Best Cinematography – Sunod
Gatpuno Antonio J Villegas Cultural Award – Mindanao
Fernando Poe Jr Memorial Award – Mindanao
Best Screenplay – Write About Love
Best Supporting Actor – Joem Bascon (Write About Love)
Best Supporting Actress – Yeng Constantino (Write About Love)
Best Director – Brillante Mendoza (Mindanao)
Special Jury Prize – Ensemble Cast of ‘Culion’
Special Jury Prize Writer – Crisanto Aquino (Write About Love)
3rd Best Picture – Sunod
2nd Best Picture – Write About Love
Best Picture – Mindanao
Best Actor – Allen Dizon (Mindanao)
Best Actress – Judy Ann Santos Agoncillo (Mindanao)
Male Star of the Night – Aga Muhlach
Female Star of the Night – Carmina Villaroel
Ang Hall of Fame awardees:
Industry Stalwarts
* Marichu Vera-Perez
* Boots Anson-Rodrigo
* Bienvenido Lumbera
* Joseph Estrada
Best Actor
* Anthony Alonzo
* Christopher De Leon
* Cesar Montano
Best Actress
* Nora Aunor
* Amy Austria
* Vilma Santos-Recto
* Maricel Soriano
Best Supporting Actress
* Eugene Domingo
* Cherie Gil
Best Director
* Marilou Diaz-Abaya
* Joel Lamangan
* Jose Javier Reyes
Best Screenplay/Story
* Roy Iglesias
* Ricky Lee
* Jose Javier Reyes
Best Cinematographer
* Rudy Lacap
* Lee Meily
* Carlo Mendoza
* Romy Vitug
Best Sound Engineer
* Ditoy Aguila
* Michael Albert Idioma
* Rolly Ruta
Best Musical Score
* Dionisio Buencamino
* Von de Guzman
* Jaime Fabregas
* Jessie Lasaten
Best Editor
* Vito Cajili
* Manet Dayrit
* Jess Navaroo
* Edgardo Vinarao
Best Visual Effects
* Roadrunner Network, Inc.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan