PAYAG na ang lead actor ng Miracle In Cell No. 7 na si Aga Muhlach na mag-artista ang mga anak na sina Atasha at Andres pero may kondisyon—Tapusin muna ang pag-aaral.
Ani Aga, “Hindi ko sila pinagbabawalan ever since. Iyon ang hanapbuhay ko eh. Iyon ang naglagay ng pagkain sa lamesa namin, nagbuhay sa amin lahat.
“Ang sinasabi ko lang, tapusin lang ang pag-aaral nila. ‘Tapusin niyo iyan. ‘Pag makatapos kayo, desisyon niyo na iyan.’
“’Pag nahirapan kayo, nasaktan kayo, hindi niyo ako masisisi, kasi hindi ako ang nagpasok sa inyo.’ Kasi masakit ang industriya natin.
“Sa industriyang ito, huhusgahan at huhusgahan ka parati. Hindi ko kayang maano na huhusgahan nila ang mga anak ko.
“Ngayon kung sila ang nagdesisyon, that’s fine. Kaya sinasabi ko, ‘finish your college.’
“Nasa tamang pag-iisip na sila, alam na nila, they decide. Sila na ang magdesisyon niyan.”
Ang Miracle In Cell No 7 ay official entry sa 2019 MMFF na idinirehe ni Nuel Naval under Viva Films at showing na sa Dec. 25.
MATABIL
ni John Fontanilla