Mabilis gumawa ng pelikula si Direk Reyno Oposa lalo’t nasa puso niya ang filmmaking at pagmamahal sa industriya.
Yes sa loob lang ng dalawang araw ay natapos ni Direk Reyno ang shooting ng latest indie movie na Silab (Apoy Sa Tagong Paraiso) at pinagbibidahan ito nina JV Cain at Mia Aquino at suportado ng mga sumusunod na actors: Nina Barri, Lance Valderama, Bobby Tamayo, PETA actress Cilia Castillo at Urduja Film Festival Best Actress Elizabeth Luntayao.
Inspired si Direk Reyno sa magandang materyal ng sex-drama movie, kaya naman smooth ang shooting ng kanilang pelikula na intended for Cinemalaya 2020.
Naka-schedule na rin ang shooting ng isa pang movie ng kaibigan naming director (Direk Reyno) na “Wild Butterflies” na ang bida ay newcomer actor na si Kurt Harris at pamamahalaan ito ng tatlong directors. Join din sa cast si Lance Valderama. Nakabalik na pala ng Ontario, Canada si Direk Reyno at active na naman siya sa kanyang Facebook Live na maraming following mula sa iba’t ibang bansa.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma