Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chanel Latorre, minura ng viewers ng Prima Donnas

NAGALIT ang maraming tagapanood ng Prima Donnas kay Chanel Larorre dahil sa kasalbahihan ng ginagampanan niyang papel sa serye ng GMA-7.

Si Chanel ay gumaganap dito bilang si Dindi, ang best friend ni Lilian (Katrina Halili) na laging nasa tabi nito sa mga pahirap na ginagawa sa kanya ni Kendra (Aiko Melendez) at sa tatlong Prima Donnas na ginagampanan nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Wika ni Chanel, “I play Dindi, Lilian’s (Katrina) best friend who has been there for her through thick and thin. But this week, may twist po. As viewers will find out that Dindi is a traitor and works for Kendra (Aiko). So the following weeks ay malalaman on why Dindi did what she did and betrayed the Prima Donnas and her bestfriend, Lilian.”

Sa hindi inaasahang twist ng istorya nito, nagtraydor at bumaliktad si Dindi kay Lilian. Siya’y nagtahi-tahi ng kung ano-anong kasinungalingan kaya nadesmaya at na-bash siya ng maraming viewers ng Prima Donnas. Ilan sa mga ito ay:

*Taena teh ano bat ka bumaliktad ha? Ahh alam ko na binayan ka ni Kendra nga dimunyo ka mukha kang pera yari ka kay lilian haha tago kana

*Dindi ano pera pera na lang? Di ba tropa mo si Lilian? How desperate cyst pa bag bag ka pa wala naman laman. Ginigigil mo ko! Galing mong umarte, alam mo cyst ikaw nagpatunay na pag wala kang pera, kahit may pinag­sama­han kayo, ekis ka.

*Naiinis ako sayo dinidiiiii

*Kgling umarte ng kaibi­gan ni lilian sarap sabuyan ng asido

Happy naman si Chanel kahit maraming suking mano­nood ng kanilang serye ang naiinis sa kanya. Patunay lang kasi ito nang husay ni Chanel bilang aktres.

Nagpapasalamat din si Chanel sa magandang ratings ng kanilang afternoon teleserye na tinatampukan din nina Wendell Ramos, Chanda Romero, Benjie Paras, at iba pa.

“Lahat po kami nagulat na magiging top rated show siya ng GMA. Kasi po mahirap ‘yung timeslot namin dahil katapat po ng Kadenang Ginto. Lahat po gusto siyempre na magtagal ang show, so ‘yung manguna po sa ratings, talagang sobrang blessing po. Lagi kaming nagdarasal bago mag-taping and everyone aims to satisfy the audience by giving the best performance that we can.”

Ano sa tingin niya ang rason, bakit sila humahataw sa ratings? “Very refreshing ang cast ng Prima Donnas at lahat ay mahusay. Dito rin po talaga ako nabigyan ng chance ng GMA na ipakita ang range ko as an actress, na usually naipapakita ko lang sa pelikula.

“Iyong mga director po namin, sina direk Gina Alajar at direk Aya Topacio ay talaga namang tutok in terms of quality at appeal sa masa. Bawat episode ay talagang kaabang-abang dahil makapigil hininga sa kilig, sa suspense, at sa drama,” aniya pa.

Si Chanel na nagpa­kita rin ng mahusay na per­formance sa iWant’s Bagman 2 at Barbara Reimagined.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …