Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha, na-starstruck kay Angelica nang nag-guest sa Banana Sundae

THREE years na sa mundo ng showbiz ang talented na recording artist na si Rayantha Leigh at nabanggit ng dalagita na masaya siya sa takbo ng kanyang career.

Aniya, “Yes, maganda po ang takbo ng aking career ngayon, patuloy pa rin po ang pagdating ng projects.”

Sa ngayon ay may dalawa siyang weekly regular shows, napapanood siya every Saturday and Sunday, 5:00-6:00 pm sa SMAC Pinoy Ito at Artista Teen Quest every Saturday, 4:30 pm, kapwa sa IBC 13.

“Iyon pong SMAC Pinoy Ito, musical variety show po, more on dancing, singing and hosting. Ang Artista Teen Quest, nag-start po ito noong July at ang hosts po ay ako, Ella Apon, and Isaiah Tiglao, with the judges Riva Quenery, Mateo San Juan, Anton Juarez, and Justin Lee. I’m very thankful po siyempre to SMAC family for trusting me and to all my support­ers,” saad niya.

Hindi ba ito naka­aa­pek­to sa kanyang studies? “Naba-balance ko pa rin po ang aking career at studies pero may times po talaga na lagi akong absent. Pero nakahahabol naman po ako sa mga na-miss ko and patuloy pa rin po ang aking singing career.”

Nabanggit din ni Rayantha na nag-enjoy siya sa pag-guest sa Banana Sundae. “Super exciting and enjoyable po ang aking guesting sa Banana Sundae dahil ibang network po. So, panibagong audience po and it was a dream come true for me.

“Super thankful po ako na naka-guest ako sa Banana Sundae lalo’t second guesting ko na po ‘yun. Kaya lalo ko pa pong gagalingan bilang artist to achieve more goals.”

Ayon kay Rayantha, na-starstruck siya kay Angelica Panganiban sa second guesting niya sa Banana Sundae.

“Pinakana-starstruck po ako kay Angelica Panganiban, she’s so kind po and pretty even in person. Idol ko po siya, I’ve seen some of her movies po and ang galing po niya mag-acting talaga.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …