Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Louise, ayaw muna ng intimate scene — Ayaw kong marumihan

IGINIIT ni Louise delos Reyes na hindi na niya kayang magpa-sexy o gumawa ng mga intimate scene. Ito ang binigyang linaw ng aktres nang matanong kung may intimate scene sila ni Ivan Padilla sa My Bakit List na mula sa Viva Films at BluArt Productions na mapapanood na sa December 11.

Nilinaw naman ni Bona Fajardo, director ng My Bakit List na hindi kinailangan ng daring scenes ni Louise at ni Ivan.

Ani Louise, “Sabi ko kay Direk after ng ‘Hanggang Kailan’ sabi ko, ‘Direk parang hindi ko muna kaya… hindi ko muna kaya.’ Parang natodo ko na yata sa ‘Hanggang Kailan,’” paliwanag ni Louise.

“Kasi kahit dati naman na, never ko pa rin siyang ginawa. I think kasi ako sa sarili ko, desisyon ko ‘yon kasi mayroon tayong gustong path outside showbiz naalam mo ‘yon… ayokong magkaroon ng taint or madumihan. At saka mayroon din akong kapatid na lalaki, kaya rin never akong nag-say yes sa mga men’s magazine before kasi ayokong aasarin sila dahil sa trabaho ko.

“At saka ang hirap i-expain sa non-showbiz ‘yung mga ginagawa ko. Time mo pa nga lang ‘di mo na ma-explain how much more ‘yung trabaho pa mismo.”

Bagamat alam ni Louise na bahagi ng trabaho niya ang maging daring paminsan-minsan, “For me kasi ayoko lang ng hassle. If kayang tanggalin ‘yon, sana… di ba?”

Sinabi pa ni Louise na hindi naman siya pinagbabawalang magpa-sexy ng non-showbiz boyfriend niya na two years na niyang karelasyon.

“Desisyon ko na rin siya. Hindi na rin dahil sa kanya, dahil na rin sa akin. I’m 27 years old, sa iba kapag 27 ka na you will accept more daring roles kasi matanda ka na. No, para sa akin hindi, eh. It’s the other way.Mas lalong hindi ko gusto.”

Hindi naman itinago ni Louise na live-in sila ngayon ng kanyang boyfriend.

“Hindi pa. Kasi I think kapag ready ka na talaga, roon na ibibigay sa ‘yo na parang ito na ‘yon. Hindi ko kasi masabi kong ready na ako or ‘yung partner ko ready na rin, or kung siya na ba talaga kasi ang dami pang mangyayari, eh.

“Pero ako siyempre, gusto ko siya na, ready na ako for that. Pero siyempre, ang dami mo pang iisipin na factor. ‘Yung ibang mga kaibigan ko engaged na, nakapag-asawa, may anak, so parang nakita ko na hindi basta-basta maglagay ng singsing sa kamay.

“It’s a commitment. Financially, okey ka na ba, emotionally. Katawan mo ready na ba, marami, eh, maraming factor. If ever na mag-propose siya, tatanggapin ko naman but it’s going to be a long engagement until the time that we’re both ready.”

Samantala, ginagampanan ni Louise ang karakter ni Dess na maituturing na “relatable”. Si Dess ay nagtatrabaho bilang head writer ng isang drama anthology.  Sa kabila nang pagiging breadwinner niya, sinukuan niya ang trabaho nang hindi na niya masikmura ang sobrang pressure.

Ang theme song ng pelikula ay Sanay Naman Ako mula sa singer-songwriter na si Jo. E.

Ngayong Christmas season, isama sa inyong To Do List ang panonood ng My Bakit List mula sa Viva Films at BluArt Productions.  Palabas sa sinehan simula December 11, 2019.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …