Monday , December 23 2024

AFP & PNP generals initusan: Opisyal ng 2 water concessionaires ‘patayin’ — Duterte

“UBUSIN ang mga opisyal ng Manila Water at Maynilad.”

Ito ang pabirong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay ARMED Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Noel Clement.

“Gusto ko silang makausap. Hindi ito maaareglo kung hindi ko makausap ang nagawa nitong kontratang ito. Tatawagan ko si Clement, ‘Padala ka rito M16, dalawa. Pag alis ko riyan, put*ng i*a, patayin mo lahat diyan. Huwag ka mag-iwan ng buhay,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa mass oathtaking ng mga bagong heneral ng pulisya’t militar sa

Palasyo kahapon.

Nais din ng Pangulo na makausap ang mga abogado ng gobyerno sa likod ng “onerous” concession agreements na nilagdaan noong 1997.

“Gusto ko harap ang abogado ng gobyerno na put*ng in*ng gumawa ng kontrata na ito… They were selling this country down the drain,” ani Duterte.

Kaugnay nito, binati­kos ni Pangulong Duterte si Sen. Franklin Drilon dahil binantaan sila laban sa pagrepaso ng mga kontrata ng Manila Water at Maynilad.

Kinuwestiyon ng Pangulo ang naging papel ni Drilon sa pagbalangkas ng mga kuwestiyonableng water contracts.

“You know Senador Drilon, magkaibigan man tayo at malaki ang respeto ko sa ‘yo. But this time sabihin ko sa ‘yo, how dare you telling me not to make any move or even to masilip, to take a peek at the… because we will be losing money. How dare you? Kasama ka ba rito?” aniya.

“Tapos tinext n’ya si (Senator) Bong (Go). Doon ako nagduda. ‘Bong, sabihin mo kay Rody… (Hindi ako kasama) riyan. No’ng luma­bas ang kontarta na ‘yan wala na ako sa ACCRA’,” sabi ng Pa­ngu­lo.

Matatandaan inutu­san ng Permanent Court of Arbitration sa Singa­pore ang gobyerno ng Filipinas na bayaran ang Ayala-owned Manila Water ng P7.39 bilyon na nawala sa kompanya dahil hindi naipatupad ang water rate hikes.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *