Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, sobrang bilib sa BeauteDerm kaya nagtayo ng second store

BILIB ang award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez kung gaano ka-effective ang BeauteDerm products, hindi lang dahil siya ang unang endorser nito at Face ng BeauteDerm, kundi dahil talagang regular siyang gumagamit nito.

“Ang Beautederm products ay, ang ganda talaga, like ‘yung cream ni Rei Rei na sobrang powerful sa mukha. Nakita n’yo naman, nakaharap ako sa inyo na walang make-up, walang lipstick… Ang daming produktong magaganda ng BeauteDerm, pero ang madalas kong gamitin ay ‘yung cream at sabon, at ‘yung lip balm niya…

“Second branch na namin ito, una ay sa Butuan City sa Mindano sa lugar ko, kung saan ako nakatira, sa Agusan del Norte,” sambit ni Ms. Sylvia nang makahuntahan namin sa kanyang store na Sylvia Sanchez by Beautederm sa #68 Roces Avenue, QC na 96th store ng Beautederm.

Bakit niya naisipang magtayo ng second store?

“Kasi maganda siya, mabenta siya. I mean hindi ba,

kung magbebenta ka na rin lang naman, magtatayo ka ng store, make sure na ang ibebenta mo ay mabenta talaga. E itong BeauteDerm, proven ko na ito talaga,” aniya na nabanggit din na next year ay magkakaroon siya ng store sa SM malls, kaya posibleng maging anim na ito.

Saad niya, “Mayroon po kaming services dito, kompleto kami, wala lang lypo, ayaw ko niyon… mayroong RF, ulthera, mga warts removal, waxing, ‘yung mask, mga machines para sa facial treatments… Lahat ng Beautederm products available rito like premium set na mga sabon, cream, facial wash, pampabango sa bahay, ‘yung mga perfumes, etcetera.

“Actually, Sylvia ang gina­mit ko pero itong store ay kay Ria ito. Gusto kong tulungan ang mga anak ko na mag­karoon ng sari­ling business through Beaute­derm. You can get the smooth clear skin you’ve always wan­ted by using Beautéderm Products that are safe, effective, and Superbrands awardee. They’re safe and dermatologically tested to deliver amazing results in as early as one week.”

Thankful din siya kay Sir Art Atayde sa pagiging supportive husband nito. Masaya rin si Ms. Sylvia sa lady boss ng BeauteDerm na si Ms. Rei Tan dahil umusbong ang kanilang magandang relasyon.

“Masaya ako sa sinasabing lucky charm ako ng BeauteDerm, lucky charm din si Rei Rei sa buhay ko. Pareho kaming nagkatulungan at ‘yung relationship nag-grow na talaga, hindi na business, naging pamilya na kami, kumbaga.”

Next year ay nakatakda siyang gumawa ng at least dalawang pelikula. Sa ngayon, happy si Ms. Sylvia dahil mataas ang ratings ng teleserye nilang Pamilya Ko.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …