Saturday , November 23 2024

Ang ‘kaldero’ at ‘pa-epek’ ni Drilon

TAHASANG pinatutsadahan ni 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero si Senate Minority Leader Franklin Drilon na isa sa dapat sisihin sa pagkaantala ng preparasyon ng 30th SEA Games.

‘Di ba nga’t si Drilon ang tumapyas ng P2 bilyon sa pondong gagamitin sana sa SEA Games na umaabot sa P9.5-B noong tinatalakay sa senado ang 2019 National Budget. Nitong buwan ng Mayo naipalabas ang pondo para sa SEAG dahil naantala nang apat na buwan resulta ng iringan ng kongreso at senado tungkol sa pork issue.

Kung naipalabas sana noong Enero 2019 ang badyet, ang dami sanang nagawa ng organizers nang mas maaga gaya ng konstruksiyon sa SEAG venues, paghahanda sa pagkain at kung ano-ano pa. Kailangan din sumunod ng organizers sa mga bidding at procurement process ng DBM na naaayon sa batas.

At hindi pa siguro nakontento si Drilon dahil kamakailan lang, ang cauldron naman ng SEA Games sa New Clark City ang kanyang pinagdiskitahan. Kinuwestiyon niya ang P45 milyong ginugol sa estruktura na magsisilbing pailaw hanggang matapos ang sports event. Ang malala pa, tinawag niyang ‘kaldero’ ang huling obra ng national artist na si Mañosa. Hindi tuloy maubos maisip ng mga tao kung pinopolitika ni Drilon ang palaro dahil sa mga binibitawan niyang akusasyon ngayon pa namang nagsisimula nang pormal ang SEA Games. 

Baka hindi naisip ni Drilon na ang mga atleta ang nababalahura sa pinakawawalan niyang akusasyom dahil ang cauldron ay pangkabuuang simbolo ng tapang, gilas, puso at tatag ng atletang Filipino.

Imbes batikusin ang simbolismo ng kanilang susuuang kompetisyon, ‘di ba mas dapat na nagbigay ng tapik sa balikat si Drilon sa mga atletang Filipino?!

At dahil sa pagpapakawala niya ng mga akusasyon, ‘di ba nga’t na fake news at nakor­yente pa si Drilon ng akusahan niya si BCDA President Vince Dizon, manugang ni Mañosa ang nagdisenyo ng cauldron.

Ayun, karaka-rakang nag-sorry kay Dizon si Drilon.

Sabihin na nating may mga aberya sa pagkain, transportasyon at accommodation ng mga atleta na excuse me po, ay nararanasan din ng mga atletang Pinoy kapag sumasabak sila sa mga international competition sa ibang bansa, dadagdagan mo pa ba ang paghila pababa sa kapwa mo Pinoy?

Nakawawalang dignidad ang pagtawag na kaldero sa  cauldron. Nakakawalang gana. Nakapanghihina ng loob.

Kaya sana naman, magkaisa ang mga Filipino habang idinaraos ang palaro at tigilan muna ang mga puna at batikos. Huwag na tayong makisali sa mga ‘fake news’ bagkus ay magkaisa para sa ikatatagumpay ng SEA Games.

Laban, Filipinas!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *