Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, inimbita ang pamilya ni Arjo sa isang dinner

MATITIGIL na siguro ang mga hibanger na supporter ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza na pilit nilang sinasabi na ‘mag-asawa’ na ang dalawa kaya hindi sila naniniwala sa relasyong Arjo Atayde at Maine.

Nag-tweet na ang mismong ama ni Alden na si Mr. Richard Faulkerson na walang asawa’t anak ang aktor para matigil na ang lahat dahil pinuputakti rin daw sila ng bashers.

Kung ganoon, may ibang grupo ng bashers na tumitira kina Alden, Maine, at Arjo, sino-sino ang mga ito at anong grupo sila nabibilang?

Anyway, siguro naman ay matitigil na ang lahat at tanggapin na lang ang katotohanang ArMaine na talaga ngayon at posibleng maging forever pa kaya sa nahihibangers na bashers, wait na lang kayo sa mga mangyayari.

Samantala, sa mga nagdududa rin tungkol sa ginanap na dinner ng Atayde Family kasama si Maine, hindi iyon produkto ng photoshop dahil ang mismong dalaga ang nag-imbita sa pamilya ni Arjo na mag-dinner sila at nangyari nga ito noong Nobyembre 17, Linggo pagkatapos ng Sylvia Sanchez by Beautederm opening na pag-aari ni Ria Atayde katuwang ang nanay niyang si Ibyang (tawag kay Sylvia).

Ang dapat atupagin ng hibangers bashers ay i-promote nang husto ang programa ni Alden sa GMA dahil simula noong umere ito ay hindi pa nito naungusan o napantayan ang ratings ng katapat na programang Starla ni Judy Ann Santos.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …