Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jiro Custodio humahataw ang career, tampok sa concert sa Cuneta!

HINDI dapat palag­pasin ang benefit concert ng Bidaman finalist na si Jiro Custodio titled The Greatest Show at the Cuneta Astrodome na gaganapin sa Nov . 22 sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Matinding kantahan ang magaganap sa ga­bing ito at isa sa highlight ng concert ang duet nila ng special guest niyang si Ms. Dulce. “Opo may duet kami ni Ms. Dulce at iyon ang dapat nilang abangan. Icon na po siya, kaya thankful po ako na napagbigyan ang request ko na siya ang kuning special guest. I’m a super fan po talaga,” wika niya.

Ipinahayag din ni Jiro ang kagalakang maka­pag­hatid ng saya sa mga manonood and at the same time ay makatulong sa mga batang may cancer at sa mga street children ng Pasay na si­yang bene­ficiary dito. Nagpapa­sala­mat din si Jiro dahil su­por­tado siya ng mga kasa­ma sa It’s Show­time.

Ayon sa kanya, ang naturang con­cert ay tribute niya sa kan­yang tatay-tata­yan sa showbiz na si yumaong Ger­man Moreno, na naging ins­trumento para makapasok si Jiro sa showbiz via sa defunct show na Walang Tulugan with the Master Showman.

Ito ay prodyus nina Sho Hamazaki, Naga­haru Fuiwara, Mario Mar­cos, at John Cortez. Ito ay mula sa direksiyon nina Jaysar Lorayna at Benedict Borja.

Kabilang sa guest ni Jiro sa The Greatest Show con­cert ay sina Bugoy Cariño, AC Bonifacio, Jervy delos Reyes, Maria Loroco, Archie Aguilar, Khimo Gumatay, Voice Camp Philippines, Eris Aragoxa, Jay Dizon, Chloe Redondo, JC del Rosario, Twain Tuazon, Egielyn Fer­nan­dez, Dan Delgado, Madon­na Decena, Jhunjie Dosdos, Mojak Perez, Yuki Sakamoto, Christian Reba­da, Benedict Dural, at Marika Sasaki.

Bukod sa napapanood madalas sa Showtime, out na ang single niyang Sabihin Mo Na sa Spotify, Apple Music, iTunes, at iba pang digital platforms. Next na ilalabas niya ang Deep Inside. Wish din ni Jiro na makasali sa isang teleserye ng Dos.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …