Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, rewarding ang Mananita, personally at career-wise

AMINADO si Bela Padilla na hindi naging madali para sa kanya physically at mentally ang paghahanda at pag-shoot ng pelikulang Mananita.

Ani Bela, kinailangan niyang sumailalim sa training sa isang military camp para matuto ng pag-assemble at paghawak ng rifle.

Kaya naman dahil dito’y ipinagmalaki niyang kaya na niyang mag-assemble ng rifle sa loob ng isang minuto ha.

Bukod dito, kinailangan ding maglagay ng prosthetic sa isang parte ng mukha at leeg ang aktres dahil ginagampanan niya ang isang ex-military sniper, si Edilberta. Na matapos matanggal sa posisyon sa militar, tumanggap ng isang trabaho na bumago sa kanyang buhay.

Kakaiba rin ang Mananita sa mga role na nagawa niya sa mga romantic movie na nagawa niya tulad ng 100 Tula Para Kay Stella, Meet Me in St Gallen, at The Day After Valentines.

Sa mga nabanggit na pelikula’y maayos ang hitsura ni Bela, rito sa Mananita, gusgusin at rugged ang kanyang hitsura.

Sobrang init din ang panahon nang ginagawa ni Bela ang pelikula. Pero sa lahat ng hirap na pinagdaanan ng aktres, ang paggawa ng Mananita ay napaka-rewarding sa kanya personally at career wise.

Nabura rin ang mga paghihirap niya dahil napili ang Mananita bilang isa sa finalists ng prestihiyosong 32nd Tokyo Film Festival. Sa walong Filipino films na napili para sa film festival, tanging ang Mananita ang napili para sa main competition kaya gayun na lamang ang pasasalamat ni Bela at ni direk Paul.

Umani rin ng mga positibong pagtanggap ang Mananita mula sa audience ng filmfest.

Kaya naman nasulit ang lahat ang hirap at sakripisyo ni Bela dahil sa mga papuring ito sa kanilang pelikula.

Ang Mananita ay mula sa direksiyon ni Paul Soriano at mula sa panulat ni Lav Diaz na ang istorya’y ibinase sa Oplan Mananita, isang anti-drug campaign na nagsimula sa Davao City noong 2016. Sa programang ito’y kumakatok ang mga pulis sa bahay ng mga drug suspects at hinaharana sila para talikuran ang ilegal na droga.

Mapapanood ang Mananita sa December 4 handog ng Ten17P at Viva Films.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …