Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cindy at Rhen, palaban, ‘di marunong matakot

NANGGULAT kapwa sina Cindy Miranda at Rhen Escano sa kanilang erotic thriller movie, Adan na palabas na sa mga sinehan ngayon. Mula ito sa Viva Films, in cooperation with Aliud  Entertainment at ImaginePerSecond.

Kapwa sila hindi nagpatalo para mapatunayang kaya nilang gawin anuman ang hinihingi ng kanilang karakter sa Adan.

Umiikot sa pag-iibigan at pagnanasa ng dalawang babae, at ang kanilang mga kasinungalingan ang pelikula. Mula ito sa imahinasyon ni Yam Laranas.

Walang takot ang dalawa sa paghuhubad, pagpapakita ng boobs (o sabi nga eh paglalaro), paghahalikan, at iba pa. Talagang gustong patunayan ni Cindy sa pelikulang ito kung gaano siya kaseryoso sa pagiging artista, lalo na’t grabe ang kissing scenes nila ni Rhen.

Sinabi nga niya na, “Mahal ko talaga ang pag-arte at kapag mahal mo ang isang bagay, lahat, makakaya mong gawin.” Kaya naman ‘yung akala mo’y hindi niya magagawa, nagawa niya.

Maging si Cindy ay todo-bigay din na akala mo’y lalaki ang kalampungan. Sabi nga niya, flawless ang karamihan ng kanilang lovescene ni Cindy.

Mula ito sa direksiyon ni Roman Perez, Jr., at klasik na awiting Himig ng Pag-ibig ng bandang Asin ang official theme song ng pelikula, sa interpretasyon ni Shanne Dandan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …