Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Holdaper timbog

TIMBOG ang isa sa tatlong holdaper matapos holdapin ang isang Grade 10 student sa Parañaque City, nitong Lunes.

Kinilala ang naarestong suspek na si Fernan Palisa, 24, binata, walang trabaho, ng Sitio De Asis, Barangay San Martin de Porres, Para­ñaque City habang naka­takas ang dalawa niyang kasama na sina alyas @Arjay at alyas @Mac-Mac.”

Ang biktima ay isang 17-anyos binatilyo, Grade 10 student, ng Sitio De Asis, Bgy. San Martin De Porres, Parañaque City.

Ayon sa ulat, nahuli sa isang follow-up operation ng Parañaque City Police sa pangunguna ni P/Cpl. Ognayon kasama ang mga tauhan BPATS, ang suspek sa Bicutan Footbridge, Bicutan Interchange, at Bgy. San Martin De Porres sa nasabing lungsod, dakong 3:00 pm.

Sinasabing naglalakad ang biktima nang biglang harangin at holdapin ng tatlong suspek na armado ng patalim at sapilitang tinangay ang kanyang cellphone saka tumakas.

Agad nakahingi ng tulong ang biktima sa mga pulis at barangay na nagka­sa ng follow-up operation hanggang maaresto ng suspek na si Palisa at nare­kober ang mga ebidensiya kabilang ang Oppo A3S at siyam na pulgadang kutsilyo.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek sa Parañaque Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …