Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristine, minor pa nang maging nobya ni Atong Ang

NATISOD pala ni Butch Francisco ang aming isinulat tungkol sa dating aktres at ngayo’y US-based nang si Kristine Garcia na naanakan ng negosyanteng si Atong Ang.

Credit, of course, goes to colleague (Ate) Mercy Lejarde na sumagot sa kanya (kay Kristine) sa pamamagitan ng palitan ng private messages.

Nabanggit kasi namin sa aming kolum na nasa 30’s na ang anak na lalaki nina Atong at Kristine, na noong one year-old pa lang pala’y nakita mismo ni Butch.

Eighteenth birthday (o debut) daw ‘yon ni Kristine na ginanap sa Manila Polo Club sometime in 1989. “Kung ganoon, tama nga ang nasulat, minor pa noon si Kristine noong maging nobya ni Atong. She got delivered the baby at 17, at isang taong gulang na ang bata that time,” pagre-realize ni Butch.

Ayon pa sa kanya, Chinese na Chinese ang hitsura ng bata.

Tanong namin, namataan ba niya si Atong at the party? “May Chinese-looking guy doon pero that time siyempre, who was Atong Ang? Baka siya ‘yung nakita ko nang mabilisan.”

Sa party na ‘yon na kinaray siya ni (Kuya) Ronald Constantino na sinabihan pa nga ni Kristine ng, “Tito Ronald, i-roast n’yo ‘ko?” May kabuntot pa raw itong, “Tito Ronald, puwede na bang gawan ng story ang buhay ko?”

Taong 1993, dagdag ni Butch, noong totally ay nawala na sa sirkulasyon si Kristine. Pero ayon sa ulat nitong huli ni Ate Mercy ay balak bumisita ng dating aktres sa ‘Pinas kasama ang kanyang asawa.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …