Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lassy Marquez, thankful kay Ogie Diaz dahil nakapagbida sa Two Love You

NAG-START si Lassy Marquez sa paggawa ng pelikula kasama si Vice Ganda noong 2011. Dito’y sidekick siya kadalasan ni Vice, pero sa pelikulang Two Love You na showing na ngayong araw (Nov. 13), bida na si Lassy.

Ano ang feeling na bida na siya?

Sagot ni Lassy, “Kinakabahan talaga ako, as in sobrang kaba, sobrang nape-pressure talaga ako… hindi ko alam, e. Kasi kung tutuusin ay napakadali lang mag-support lalo na kapag ang bida mo ay malakas. E ako, baguhan pa lang po ako sa pagiging bida, first time ko, launching po kumbaga.

“So, magkahalong kaba at takot at halong saya… so inisip ko na lang na it’s a blessing talaga. Na it’s time na rin siguro na masubukan ko… kasi, bago ka man lang tu­man­da ay mara­nasan ko naman ito.”

Idinaraandaw ni Lassy sa dasal para maging ma­ta­gumpay ang kanilang pelikula.

“Sobra, sobra akong nagdarasal, kahit ako lang mag-isa, nagdarasal ako. Kung nasaan man ako, maya’t maya, pray lang ako nang pray na maging successful talaga itong movie namin.”

Paano napunta sa kanya ang role niya rito? “Si Kuya Ogie (Diaz) po ang nakaisip nito, kasi nakikita nila na parang bagay daw sa akin iyong role. Noong una, parang ayaw ko nga, dahil kinakabahan ako. Pero napilit nila ako talaga nang bongga,” nakangiting saad ng mahusay na komedyante.

Ano ang message niya kay Ogie na producer ng pelikulang ito? “Unang-una ay nagpapasalamat ako kay Lord sa lahat ng biyayang ibinibigay Niya sa akin at sa pamilya ko. And thank you so much po sa naging instru­mento sa amin, si Kuya Ogie, para gawin ang peliku­lang ito at mapa­sali ako sa isang napakagandang project na tulad nito.”

Inusisa rin namin ang role niya sa pelikula. “Ako si Reggie rito, na sa totong buhay ay panga­lan ko iyon talaga — isa ako rito sa mga kumupkop sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin, bale ako iyong kuya ng lahat.

“Love triangle kami rito nina Yen at Kid at doon mo malalaman kung bakit ganoon ang title ng pelikula — na kaya Two Love You, dahil ‘yung isang tao na nagmahal ng dalawa, may isang tao na nagmahal ulit ng dalawa, at may isang taong nagmahal din ng dalawa,” nakangiting sambit pa ni Lassy.

Tampok din sa Two Love You sina Yen Santos, Kid Yambao, MC Calaquian, Arlene Muhlach, Dyosa Pockoh, Marissa Sanchez, Elaine Yu, at iba pa. Mula sa direksiyon ni Benedict Mique, showing na ito ngayong Nov. 13, 2019.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …