Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bern Marzan, naging inspirasyon ang hirap at lungkot sa paglikha ng musika

NANGARAP ang newcomer na si Bern Marzan na maging susi ng kanyang tagumpay ang pagkakahilig sa musika. Ngunit sa pag-abot ng kanyang mga pangarap sa buhay, nalaman niyang hindi pala ito ganoon kadali.

Pahayag niya, “Taong 1995 ako nagsimulang mangarap ngunit ‘di ko na lang itinuloy ang pangarap kong ito dahil alam ko na sa simula pa lang ay walang maniniwala sa akin. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ito matutupad, hanggang dumating ang punto na makaranas ako na masabihan na wala akong future.

“Masakit man para sa akin, pero wala akong magagawa kundi tang­gapin ang mga sali­tang galing sa nakatatanda. Tanggap ko naman po dahil ang pi­nag­mulan ko ay lugar na tila walang pag-asa. Kaya lumuwas ako sa Maynila para hanapin ko ang pagkakataon na ibibigay ng panahon at tadhana sa akin.”

Si Bern ay tubong Nueva Ejica at anak ng isang magsasaka. Pangarap niyang maibahagi ang kanyang musika sa madla. Dahil pursigido at bunsod ng kanyang pagmamahal sa musika, hindi niya sinukuan ang kanyang mithiing ito at nakalikha naman siya ng mga awitin.

“Sa dinanas kong hirap at lungkot, doon ako nakagawa ng awitin na gusto ko po sanang ibahagi sa inyo, ito po ang Darling, Dahil Ako’y Mahi­rap Lamang at Christian song na, Alay Sa ‘Yo Ang Buhay Ko, at marami pa pong iba.

“Kung papalarin po na ang compositions ko na maging bahagi ng music industry, malaking kara­ngalan po para sa akin at alam ko po wala sa itsura at ganda ng boses ang labanan sa mundong ito, kundi sa pananalig sa Diyos para maging wagi sa ano mang larangan,” sambit ni Bern.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …