AMINADO si Miles Ocampo na kinuwestiyon niya ang sarili kung bakit tila natatagalan ang pag-angat ng kanyang career. Pero habang tumatagal sa industriya, napagtanto niyang hindi naman niya hinahangad ang sobrang kasikatan.
Anang aktres na bibida sa TBA Studios entry sa Metro Manila Film Festival, ang Write About Love, “Hindi ko pala ini-aim ‘yung sobrang sikat, kundi ‘yung magtatagal ako sa industriyang ito.”
Hindi naman niya ikina-depress ang mabagal na takbo ng career, nagtatanong lamang siya. “Ngayon sobrang happy ako sa nangyayari sa carer ko. At masaya rin naman ako roon sa mga kasabayan ko na sikat na sikat sila. Dumating lang sa point na bakit sila? Bakit ako ganito lang. Pero natanggap ko naman agad. Ang importante sa akin, kung sino ang nagtatagal, hindi na ‘yung kung sino ang sikat.”
At masasabi niyang ang pagdating ng Write About Love ay right timing dahil malapit ito sa pagkatao niya. Isang manunulat ang karakter ni Miles sa pelikula na siya rin palang kursong kinukuha niya sa UP, ang Creative Writing.
Kaya hindi rin kataka-taka kung siya mismo ang naisip ng direktor nitong si Crisanto B. Aquino para gampanan ang naturang karakter. “When I was first writing the script for ‘Write About Love’, I already had Miles in mind. I didn’t think any other young actress could have played the role better,” anang direktor.
Isang romcom movie ang Write About Love at ito ang first major, starring role ni Miles.
Pagkukuwento ni Miles, “I was nervous and shaking during my first day of filming because having two cameras working on me has never happened before. This is my first big role if not the biggest project I have ever done. And we made it to the MMFF.”
“Write About Love is a breath of fresh air,” sambit pa ng 22-year old actress. “I started in cutesy roles as a child actress from ‘Goin’ Bulilit’ to ‘Home Sweetie Home.’ And then one day, I wake up starring in a romcom and now the film is getting all these media coverage and attention. I feel as if I’m in a dream.”
Kasama ni Miles sa pelikula sina Rocco Nacino, Joem Bascon, at ang music superstar na si Yeng Constantino.
Dagdag pa ni Direk Cris, “Miles is the real deal. Not many know that she is an aspiring scriptwriter (taking up Creative Writing at UP Diliman) and has yet to experience first love. Totoong NBSB (No Boyfriend Since Birth) so for sure marami ang makare-relate.”
“So parang the movie was made for me,” nangingiting sabi ni Miles. “Scriptwriting has always interested me. Learning the craft has given me a newfound respect for scriptwriters. As Sir Ed Rocha (TBA Executive Producer) puts it, they really are the unsung heroes of filmmaking.”
Idinagdag pa ng batang aktres na sobra rin ang katuwaan niya na masama sa MMFF ang kanilang pelikula. Hindi naman nila hinahangad ang maging number one sa takilya, pero umaasa siyang mabibigyang pagkakataon ang kanilang pelikula para mapanood ng karamihan.
“Maganda po kasi ang istorya nito at talagang kinilig ako thinking na gagawin ko iyong mga ganoong eksena,” dagdag pa ni Miles na handang-handa nang makipagbakbakan kina Vice Ganda, Coco Martin, at Vic Sotto sa takilya sa December 25.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio