Monday , December 23 2024

Sa pulong ng Gabinete… VP Leni Robredo hindi imbitado

WALA pang balak ang Palasyo na isali sa susunod na pagpupulong ng gabinete si Vice President Leni Robredo kahit cabinet rank ang kanyang bagong posisyon bilang drug czar.

Sa ambush interview kay Sen. Christopher “ Bong” Go sa Malacañang kahapon, sinabi niyang aanyayahan si Robredo kung maikakalendaryo o mailalagay sa agenda ng cabinet meeting ang isyu ng ilegal na droga.

Tuwing unang linggo ng buwan karaniwang nagpapatawag ng cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Go, hindi pa nakapag-usap nang personal sina Pangulong Duterte at Robredo.

Nauna nang inihayag ni Duterte na siya mismo ang mag-iimbita kay Robredo para magkausap sila at magkalinawan sa eksaktong kapangyarihan at tungkulin ng bise presidente bilang drug czar.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *