WALANG karapatan si Senate Minority Leader Franklin Drilon na pintasan ang Build,Build,Build program ng administrasyong Duterte dahil buta sa proyektong empraestraktura ang nakaraang administrasyong Aquino na kaalyado ng senador.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat magbalik-tanaw si Drilon sa dating Aquino administration na kinabilangan niya para mapagtanto na wala ni isang infra project na naisakatuparan.
“Ito namang si Senator Frank, my fraternity ka-batch brod. Senator Frank, look at the administration you previously belong, six years not a single infrastructure na nagawa. Malayong-malayo sa rami,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.
Tinawag ni Drilon na palpak ang Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte dahil walang natatapos na proyekto at puro pakulo lamang.
Sa ginanap na budget interpellation sa Senado kamakailan, inulat ng National Economic Development Authority (NEDA) na dalawa lamang sa 75 BBB projects ang natapos na habang siyam ang kasalukuyan ang konstruksiyon.
(ROSE NOVENARIO)