Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa 2022 presidential bid… Mayor Sara tablado kay Digong

AYAW ni Pangulong Rodrigo Duter­te na sumali sa 2022 pre­siden­tial derby ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ang nakasaad sa press release na inilabas ng Presidential News Desk (PND) kahapon kaugnay sa talumpati ng Pangulo sa birthday party ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kamaka­lawa ng gabi sa San Juan City.

Sa naturang okasyon, tiniyak ng Pangulo sa kanyang mga kaalyado sa politika na susuportahan niya ang kahit na sinong presidential candidate pero hindi niya aayu­dahan si Sara.

“The President assured his political allies during the occasion that he would throw his support to any politician who plans to run for the presidency in 2022,” sabi sa PND press release.

“Considering the rigors of being the country’s chief executive, the President said he does not want his daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio, to vie for the top post.”

Iginiit din ng Pangulo na hindi niya iimplu­wensiyahan o pakiki­alaman ang term sharing nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Velas­co.

Ipinauubaya ng Pa­ngu­lo sa Kongreso ang pagresolba ng kanilang internal na usapin.

Kabilang sa mga du­ma­lo sa okasyon ay sina Public Works and High­ways Sec. Mark Villar, Communications Sec. Martin Andanar, Ramon Ang, at Senators Christo­pher Lawrence “Bong” Go, Manny Pacquiao, at Aquilino “Koko” Pimen­tel III.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …