Monday , December 23 2024

3-araw ‘pahinga’ tinanggihan ni Duterte

TINANGGIHAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang payo ng kanyang mga kaibigan, pamilya at doktor na magpahinga muna.

Inihayag ito ni Pre­sidential Spokesperson Salvador Panelo, biglang pagbawi sa nauna niyang pahayag na pumayag ang Pangulo na magpahinga sa loob ng tatlong araw.

Lilipad ngayong gabi patungong Davao ang Pangulo pagkagaling sa burol ng namapayapang si John Gokongwei, Jr., sa Heritage at ipagpa­patu­loy ang trabaho sa kani­lang tahanan.

Ani Panelo, “While the demands of pressing work that go along with the highest position of the land are unceasing, the people can rest assured that the President can keep up with the same and is in the best position to know how he can maintain to be on top of his health.”

Nauna rito, inihayag ni Panelo na tatlong araw magpapahinga ang Pangulo at itinalaga si Secretary

Executive Secretary Salvador Medialdea bi­lang caretaker ng go­byerno habang nasa bakasyon.

Ang tatlong araw na bakasyon ng Pangulo ay magtatapos sana sa Huwe­bes.

Pahayag ito ni Pre­sidential Spokesman Sal­vador Panelo sa press briefing kahapon sa Pala­syo.

Inilinaw ni Panelo na walang iniindang karam­daman ang Pangulo at ang tatlong araw na pagliban sa trabaho ay para makapagpahinga nang husto.

“Rest lang ‘yun, parang pahinga lang sa kanya,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, pina­kinggan ng Pangulo ang payo ng kanyang mga kaibigan, pamilya at doktor na magpahinga muna.

Sa Davao lamang ani­ya mananatili ang Pangu­lo kasama ang kanyang pamilya.

Itinalaga ng Pangulo si Executive Secretary Sal­vador Medialdea bilang caretaker ng gobyerno habang nasa bakasyon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *