Sunday , November 24 2024

Raket sa BI Warden Facility tuloy pa rin!

MATAPOS ang ating nakaraang expose tungkol sa matinding pamemera ng mga opisyal diyan sa Bureau of Immigration (BI) Warden Facility sa Bicutan ay dumami pa ang sumbong na ating natanggap.

Wala naman daw nabago o naging improvement pagdating sa kalakaran sa naturang pasilidad. Sa halip ay lalo pa raw itong lumala!

Sonabagan!

Dati umano ay nagkaroon ng raid pero noong panahon ni Warden Niño Oliver Dato ay hinintay lang ng bagong nakaupong warden na makabisado niya ang sistema ng pamimitsa?

WTF!

Bukod sa pinapayagang paggamit ng cellphones para sa mga handang magbayad, tuloy pa rin daw ang tila grocery store o tiangge na bentahan ng mga alak, sigarilyo, at mga pagkain na umaabot sa 3x ang presyo.

Para rin daw umuupa ng tarima ang mga preso na gustong mabigyan ng maayos na puwestong tutulugan.

Ang matindi paumano, kung talagang big time ang bagong preso pati paggamit ng CR ay pinagbabayad din?

Grabeh!

‘Di kaya magkaroon din ng sariling bersiyon na ‘ala-GCTA’ ang sistema riyan sa BI Warden Facility pagdating ng araw?

Aba’y hindi malayo! Baka mas matindi pa!

Sa huhusay kumopya ng sistema ng mga tao riyan, baka ngayon pa lang ay pinag-aaralan na ng ilang opisyal kung paano nila ito ikakamada.

By the way, gaano katotoo ang balita na ang pinakamayores umano ng BI Detention Center na isang negrong foreigner ay nakapaglalabas-pasok sa kulungan?

Marami raw ang nakapapansin sa mga dalaw na ang nasabing mayores ay lumalapit pa sa ibang bisita at nakikipag-usap.

Para palang politiko ang kolokoy!

Nagaganap daw ito sa mismong labas ng opisina ng BI-WFU?!

Hindi rin kaya ume-epal na negosyador sa mga bagong kulong na preso?

Hindi malayong mangyari!

‘Yun kayang medical pass na ina-apply ng mga gustong magpaospital baka naman pati ‘yun ay may presyo rin?

Any comments on these, BI-WFU Warden Madam Mariecar Caguiron!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *