Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sana Lagi ay Pasko, new single ng Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan

ITINUTURING ng talented na recording artist na si Janah Zaplan na early Christmas gift ang mga bagong blessing na dumating sa kanya.

Out na kasi sa digital market ang single niyang Sana Lagi Ay Pasko under Star Music. Bukod diyan, si Janah ang brand ambassadress ng Nutravitals International Corporation. Plus Nominated din siya bilang Female Pop Artist of The Year sa 11th PMPC Star Awards for Music.

“As always, I feel blessed sa lahat nang nangyayari sa akin ngayon, especially having a big break through my latest single which is Sana Lagi Ay Pasko, written by Sir Bryan Lotho, under Star Music. Also hindi ko rin po in-expect na I’ll be getting an endorsement as well. It is I guess, an early gift for Christmas, na everything that’s going on ay talagang okay na okay po,” masayang saad ng 17 year old na singer.

Paano niya ide-describe ang kanyang latest single?

Sagot ng Millennial Pop Princess, “Well, iyong single ko po it’s about longing for your loved ones this Christmas and actually being with them, kasi ‘di ba sa kultura naman nating Pinoy, ‘yung pagiging isa at kompleto kapag sasapit po ang Pasko ay mahalaga talaga?

“It’s a really nice song, people can relate to. Of course po, my sister is already in Dubai and it’s my first time not spending it with her din, so ayun po. Of course, not only her, I also have other relatives abroad. Puwede na rin isama ‘yung mga taong sumakabilang buhay na. So yes, well, it’s all encompasing kahit sino man iyan. Kahit nga po dyowa, why not, hahaha!”

Ang Sana Lagi Ay Pasko ay available na sa iTunes, Spotify, Youtube, Deezer, at Amazon.com.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …