KAHAPON, isang broadcaster ang pinaslang.
Si radio broadcaster Dindo Generoso ng dyEM 96.7 Bai Radio sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Sabi ni Communications Secretary Martin Andanar mabibigyan ng hustisya ang sinapit ni Generoso.
“This senseless and unwarranted act will not go unpunished. We will take the necessary action to ensure justice for Mr. Generoso’s family.”
Bilang co-chair ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ipagkakaloob umano ang kaukulang ayudang legal at iba pang suportang kailangan ng pamilya Generoso.
“We are extending our deepest sympathies to the family of Mr. Generoso in this time of grief and we are with you in seeking justice,” dagdag ni Andanar.
Heto ngayon ang tanong, kumusta naman ang kaso ni Jupiter Gonazales, ang kolumnista ng Remate na pinaslang sa tapat ng peryahan sa Arayat, Pampanga?!
Ang sabi sa press release, malapit nang mahuli ang pumaslang na tauhan o ‘publicist’ ng mga peryante.
Pero hanggang ngayon, wala tayong nabalitaan na nahuli na.
Ang nangyari pa rito, mukhang naging bida ang mga peryante nang magsumbong sa PTFoMS.
Arayku!
Sumunod kay Jupiter si Benjie Caballero sa Mindanao, at ngayon naman ai si Generoso.
Sa sunod-sunod na kasong ‘yan, hindi natin maramdaman ang media safety…
Anyare!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap