Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

8 pulis sa NCRPO huling natutulog ng Red Team surveillance group

WALONG pulis na nakatalaga sa mga lungsod ng  Makati, Caloocan, at Valenzuela ang nahuli sa aktong natutulog ng Red Team surveillance group na ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Sinabi ni NCRPO director P/BGen. Debold Sinas, ang apat na pulis na nakatalaga sa Makati City, dalawa sa Caloocan City at dalawa rin sa Valenzuela City.

Nang mahuli ang mga pulis hindi naman sila pinagalitan o inalis sa puwesto ni NCRPO Chief  kundi pinagsabihan ng opisyal na ipagpatuloy ang kanilang trabaho at hangga’t maaari ay iwasan ang pagtulog sa oras ng duty.

Hindi binanggit ang mga pangalan ng walong pulis na nahuling natutulog habang sila ay naka -duty.

Inatasan ng opisyal ang superior officers ng walong pulis na imbestigahan sila at pagpaliwanagin matapos mahuling natutulog sa oras ng kanilang duty.

Ayon kay Sinas, hindi ginising ng binuong “Red Team Group” ang walo na nahuling natutulog kundi kinuhaan lamang ng mga larawan.

Sa report ng NCRPO, 28 Oktubre at 2 Nobyembre nahuli ng read team group ang walong pulis na natutulog .

Ipinadala ng miyembro ng red team ang larawan ng walo kay NCRPO Chief Sinas.

Napag-alaman, ang Red Team Group ay binuo ng mga dating tauhan ni Sinas sa Central Visayas. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …