Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Weekly show ni Carmina, bentahe sa Sunod

KRIS AQUINO’S loss is Carmina Villaroel’s gain.

Ito’y makaraang ang pumalit sa dapat sana’y entry ni Kris sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na (K)ampon kasama si Gabby Concepcion ay na-disqualify. Ang ending: ang next in line sa parehong genre (horror) na Sunod   tampok si Carmina ang pumalit sa nabakanteng slot.

Kahit magkatunog, hindi dapat ipagkamaling ang Sunod ay sequel ng horror flick ding Sundo na pinagbidahan ni Robin Padilla noong 2009.

Anyway, malaking bentahe para kay Carmina ang pagkakaroon ng weekly show, ang Sarap ‘Di Ba? sa GMA tuwing Sabado bago umere ang Eat Bulaga.

Bagama’t tungkol sa cooking, parenting, friendship at iba’t iba pang paksa ang tinatalakay nito, maaaring i-tweak ng mga writer nito ang isang episode na angkop para i-promote ang Sunod.

Hindi suki ng MMFF si Carmina. Sa katu­nayan, wala kaming natatan­daang single movie niya na naging kalahok sa taunang festival.

Lalo na noong nag-asawa na siya (sa actor-director na si Zoren Legaspi), mas dumalang ang paggawa ng movie ni Carmina.

Hindi nga siya makapaniwalang lumusot ang Sunod, na nagresulta sa pagkalaglag ng The Heiress ni Maricel Soriano (pero nakatakdang ipalabas bago matapos ang buwang ito).

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …