Saturday , November 16 2024

Drug czar ipinasa ni Digong kay Leni

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang drug czar o co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, cabinet rank ang posisyon na ibinigay ni Pangulong Duterte kay Robredo pero wala pang sagot ang bise- presidente kung tinatanggap ang bagong posisyon sa administrasyon.

Inatasan ng Pangulo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), at Dangerous Drugs Board (DDB) na makipag­tu­lungan kay Robredo sa pagganap sa kanyang tungkuling bilang drug czar hanggang 30 Hunyo 2022.

Umaasa ang Palasyo na makikita ng mga kritiko ng Pangulo ang kanyang sinseridad sa ginawa niyang opisyal na pagtalaga kay Robredo bilang drug czar.

Giit ni Panelo, ang naturang hakbang ng Pangulo ay para sa kapakanan ng mga Pinoy at maging matagumpay ang anti-illegal drugs campaign kahit sino pa ang mamuno nito.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *