HINAMON ng Palasyo si Sen. Panfilo Lacson na tukuyin ang P20-B parked funds sa panukalang P4.1 trilyong 2020 national budget.
Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapag naituro ni Lacson ang tinagurian niyang P20 bilyong “parked funds” para sa Department of Public Wo4ks and Highways (DPWH) at Department of Interior and Local Government (DILG), tatanggalin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Tell Senator Lacson to point out what specific item in the GAA (General Appropriations Act) the P20 (billion) has been ‘parked’ and the president will remove it,” ani Panelo sa kalatas.
Matatandaan na noon lamang nakalipas na Abril naaprobahan ang 2019 national budget matapos maggirian ang Mababang Kapulungan at Senado sa isyu ng “pork insertions.”
Noong 2013 ay nagpasya ang Korte Suprema na unconstitutional ang pork barrel dahil paglabag ito sa separation of powers bunsod nang pagpapahintulot sa mga mambabatas na makialam sa paggasta ng budget taliwas sa tungkulin nila na gumawa lamang ng batas.
ni ROSE NOVENARIO