Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reunion movie nina Sharon at Gabby plus KC, tiyak na blockbuster

KATIBAYAN na wiling na talagang makatrabahong muli ni Gabby Concep­cion sa kanilang reunion movie ay ang pagsa­sapubliko niya mismo ng kanyang Gmail account.

Sa wakas nga’y open na si Gabby to his possible screen tandem with Sharon Cuneta anew provided na dapat daw ay kakaiba ang materyal na pagsasamahan nila. In his words, kailangang “out of the box” ito.

Sa pamamagitan ng kanyang Gmail account, winwelkam niya ang mga taong may magandang story line para sa kanila ni Sharon.

Wait, there’s more.

Ani Gabby, willing siyang i-waive o isakripisyo ang kanyang TF for the movie para ilaan ito sa trust fund ng nag-iisang anak nila ng Megastar, si KC.

Kung kami naman sa magiging producer ng reunion movie (heard ang ex-couple na rin daw ang mangangapital), bakit hindi na lang isama si KC sa movie?

Seeing KC again on the big screen makaraan ng mahaba-haba ring panahon is a welcome sight lalo pa’t kasama niya ang kanyang mga magulang.

Again, this is a call addressed sa mga manunulat ng pelikula kung paano ang magiging takbo ng kakaibang kuwento involving Gabby, Sharon and their daughter.

Isa lang ang tiyak, hindi pa man ay tinatayang magiging blockbuster ito sa takilya. After all, baka ‘yun na ang huling Sharon-Gabby movie together after their first, ang Dear Heart noong 1981.

(RONNIE CARRASCO III)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …