Wednesday , January 15 2025

Cong. Yul, inspirasyon si Yorme Isko noon pa man

ISANG lugar lang ang kinalakihan nina Yorme Isko Moreno at Cong. Yul Servo. Si Yorme eh sa Tondo, si Cong. naman ay sa Bindondo, Manila. Bagamat hindi ganoon kahirap ang buhay nina Cong, mahilig naman siyang rumaket para may sarili siyang pera.

“Gusto ko lang may perang sarili at may diskarteng sarili. Panlibre at pambili ng gin. Pero ngayon hindi na ako umiinom,” ani Cong. Yul.

Mas matanda si Yorme kay Yul at aminado ang huli na inspirasyon niya sa pag-aartista si Isko. “Kasi sabi ko kung naging artista si Isko, bakit ako hindi? Eh parehas lang kaming lugar, Tisoy siya, moreno ako. Tapos noong naging konsehal siya, paglabas ko ng bahay namin nakikita ko ‘yung poster niya, Councilor Isko Moreno, tapos artista na ako noon, sabi ko magiging konsehal din ako.

“Nasusundan ko ‘yung kung ano ang ginagawa niya. Kasi nga inspirasyon ko siya. A, puwede rin pala. Kasi noong bata pa kami, pinagkukuwentuhan lang naming si Yorme, biruin mo naging artista o. ‘Yung mga dati ko kasing kaibigan, nakikita lang siya riyan sa Pier, tapos bilib kami siyempre kasi naging artista siya eh, tapos nananalo siya sa mga awards night, ‘Yung Star of the Night. Sabi ko nangarap lang ako at nakilala ko naman siya,” kuwento pa ni Cong. Yul nang makatsikahan naming siya sa 1919 Grand Café sa Juan Luna, Binondo, Manila.

Sinabi pa ng actor na si Yorme ang nagbigay ng pagkakataon sa kanya para maging konsehal. “Dapat ang daddy ko eh (tatakbong konsehal). Since pareho kaming artista, inilapit ko ang Daddy ko. Hindi naman kami close noon pero magkakilala kami. Nagkataon pa na iisa ang manager namin noon, si Direk Maryo J. Delos Reyes. Kinausap ko siya para nga maging ka-tiket niya. Tinanggap naman niya, nagkataon lang na noong bandang huli na, sinabihan ang daddy ko ni Vice Mayor Danny Lacuña na ako na lang daw ang patakbuhin. Eh nag-aartista na ako noon.

“Ayun nanalo naman ako bilang konsehal first attempt ko. Si Yorme konsehal na tatakbong vice mayor. Tapos ako pala ang tatakbo. Actually, ayaw ko noon at saka hindi rin gusto ni Direk Maryo. Bago ko napapayag si Direk Maryo joke lang, and eventually napapayag naman. Si Yorme rin ang tumulong sa akin para maging konsehal ako.

“Noong tinulungan niya akong makapasok sa partido, pinagbutihan ko naman ang pagiging konsehal ko,” kuwento pa ni Cong. Yul.

Natapos ni Yul ang term niya bilang Konsehal at napagtagumpayan din ang maging Kongresista. Siya ngayon ang kongresista ng 3rd district ng Maynila.

Pagdating naman sa pagiging artista, hindi rin matatawaran ang naabot niya. Katunayan naka-pitong Best Actor trophy na siya at tatlong Best Supporting Actor. Tatlo sa Brussels Awards, CineManila International, PMPC’s Star Awards, Famas, at Gawad Urian. 

Sabi pa ni Cong Yul, nasabi niya minsan sa kanyang daddy na ayaw na niyang maging politico dahil na rin sa rami ng ginagawa niyang projects, mapa-telebisyon at pelikula, dagdag pa ang mga award na natatangap.

“Ang ganda-ganda ng kita ko sa showbiz, biro mo magtatrabaho ako ng isang buwan, dalawang buwan, kikitain ko lang ng isang araw sa pag-aartista. Pero masaya naman ako, enjoy naman ako sa trabaho (pag-aartista) kasi iyon ang passion ko. Gusto ko talaga na nakikita ko ang sarili ko sa TV na umaarte,” sambit pa ni Yul.

Sa kasalukuyan, mapapanood si Cong Yul sa HBO Go at HBO ang Food Lore: Island of Dreams na idinirehe ni Erik Matti simula Nobyembre 3.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward pinaghirapan kung anong mayroon siya ngayon

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng Kapuso Princes na si Jillian Ward sa 24 Oras na …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Arjo emosyonal habang nagpapasalamat sa ‘pamilyang’ nabuo sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales GIVEN na naman yata na kapag Metro Manila Film Festival, hindi …

Rebecca Chuaunsu Mother Lily Roselle Monteverde

Mother Lilly at Roselle inspirasyon ni Rebecca ng Her Locket

MATABILni John Fontanilla INSPIRASYON ng film producer na si Rebecca Chuaunsu sina yumaong Mother Lily Monteverde at anak nitong …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen Robin iginiit Pilipinas huling-huli sa pagsusulong legalisasyon ng medical marijuana

RATED Rni Rommel Gonzales TODO ang suporta kay Senator Robin Padilla ng mga kilalang pandaigdigang eksperto sa …

Gerald Santos

Gerald fresh pa rin ang trauma kahit 19 taong nanahimik

RATED Rni Rommel Gonzales ILULUNSAD sa Courage concert ni Gerald Santos ang advocacy niyang Courage Movement. Layunin nito na makatulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *